Roxanne Barcelo, wish na ma-influence ang mga Pinay na maging proud morena!

ADVERTISING

Roxanne Barcelo, wish na ma-influence ang mga Pinay na maging proud morena!

Roxanne Barcelo, wish na ma-influence ang mga Pinay na maging proud morena!
Roxanne Barcelo

MATAGAL-TAGAL na rin si Roxanne Barcelo sa mundo ng showbiz. Starting her career as a contestant sa Metropop, naging isa ito sa mga original teen stars ng dating sikat na youth-oriented show na Click. Eventually ay lumabas ito sa mga soap opera ng GMA-7 like Sana Ay Ikaw Na Nga at Kahit Kailan.

 

Eventually ay lumipat ito sa ABS-CBN para maging isa sa celebrity housemates ni Kuya. After attempts to penetrate the OPM scene ay bumalik ito sa original home station niya to appear in the epicserye Amaya (kung saan naging close friends sila ni Marian Rivera) at naging part ng ilang pambatang palabas.

A few years ago ay naging mapangahas ang dalaga by projecting a sexier and edgier image by releasing her song ‘Morena’. Mahigit isang taon na itong nasa YouTube at binibenta sa ilang music sites, pero recently lang ito napapansin dahil sa vlog ng Vlogger na si Ate Charon at ang paggamit ng kanta sa panibagong romance-comedy na ‘I Found My Heart in Santa Fe’. Si Roxanne ang bida rito where she is paired with her real-life boyfriend na si Will Devaughn.

ADVERTISING

Sa social media conference ng pelikula last Tuesday ay binanggit ni Roxanne na singing talaga ang kanyang first love at dream niya na sa bawat pelikulang gagawin ay siya rin ang kakanta ng theme song.

“Parang Ate Shawie (Sharon Cuneta) lang!” nakangiti nitong sambit. “‘Yun kasi ang kinalakihan ko.”

Roxanne Barcelo is now regularly seen in the women-driven revenge show ‘Wildflower’ as Natalie. Nang tanungin ng isang member of the press kung may dapat bang abangan sa character ni Natalie, hindi nito direktang sinabi na magiging makulay diumano ang lovelife ni Natalie with a different character. Hmmm… sino kaya ‘yun?

Anyway, Roxanne Barcelo is a good example of a woman na hindi takot mag-take ng risk at continue lang sa pag-evolve at reinvent ng sarili bilang isang artista. Thru her dance song ‘Morena’, she aims to inspire fellow Pinays na maging proud sa kanilang balat.

Ikinuwento nito na noong shooting nila ng pelikula sa Santa Fe sa Bantayan Island (Cebu), nagtaas ng kamay ang mga morenang bagets when they asked sino ang gustong magpaputi. For Roxanne, the kids live in a beautiful island at dapat ay maging proud sila sa kanilang balat dahil very rare nga naman ito.

Watch more of Roxanne Barcelo at Will Devaughn via the sexy romance-comedy film ‘I Found My Heart in Santa Fe’ na showing sa piling sinehan ng SM via Cine Lokal starting September 15, 2017 under the direction of Bona Fajardo.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING