Roxanne Barcelo at Will Devaughn, hindi uso ang live-in!

ADVERTISING

Roxanne Barcelo at Will Devaughn, hindi uso ang live-in!

Roxanne Barcelo at Will Devaughn, hindi uso ang live-in!
Roxanne Barcelo and Will Devaughn

WALA sa bokabularyo ni Roxanne Barcelo ang makipag-live-in sa kasintahan niya for almost four years at kapareha sa pelikulang I Found My Love In Sta. Fe na si Will Devaughn.

ADVERTISING

“Live-in? Hindi. Sa Commonwealth, as in every day ako umuuwi kina Mother,” sambit ni Roxanne sa interbyu namin.

Hirit ni Roxanne, “Honestly, very independent naman si Will at ayokong mag-impose ng kahit na ano, na next level.

“Kasi mahirap mahirap mag-impose ng next level na ganun. Kasi ako din yung mapapasubo. Siyempre I’ve heard stories, and I’m sure it’s easy for some who are more independent.

ADVERTISING

“Ako kasi, nasa side ako na pagka nabigyan kami ng pagkakataon na to go to the next level, sana I’ll do it right, we’ll do it right,” paliwanag ni Roxanne.

Inamin naman ng aktres na napapag-usapan na rin nila ang kasal. Kaya lang,  “Hindi kasi sa akin ang cue, di ba?

“And at the same time, tutok kami pareho sa trabaho at gusto naming mag-ipon talaga. May mga dreams pa kami para sa sarili namin, para sa mga parents din namin,” sey pa niya.

Palabas sa Sept. 15 para sa CineLokal ng SM Cinemas ang I Found My Love In Sta. Fe. Produced ito ng Bluart Productions sa direksyon ni Direk Bona Fajardo.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING