Roxanne Barcelo, nakakabilib ang determinasyong sumikat!

ADVERTISING
Roxanne Barcelo, nakakabilib ang determinasyong sumikat!
Roxanne Barcelo a.k.a. Roxee B | Photo grabbed from IG @roxannebarcelo

ISA SI ROXANNE Barcelo sa mga artista sa Pilipinas na ‘go lang ng go’ at ‘fight lang ng fight’ pagdating sa kanyang showbiz dreams. Nag-umpisa ang dalaga bilang young singer sa Metropop nearly twenty years ago.

Nakita siguro ng GMA-7 ang potential nito na maging big star kaya isinali ito sa youth-oriented show na Click, which was once part of the Saturday afternoon viewing habit ng mga fans. Matatandaan na ni-loveteam siya kina Biboy Ramirez at James Blanco noon at eventually ay binigyan ng sariling soap opera na pang-Sunday afternoon. Remember Kahit Kailan? Siya ang unang bidang babae sa programang iyon until Jolina Magdangal moved to GMA from ABS-CBN at na-demote ang beauty nito.

ADVERTISING

After a few years struggling sa Kapuso network ay sumali ito sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. She was quite controversial dahil sa love angle nila ng isa sa mga housemates, but that didn’t build too much hype. Bumalik ito sa GMA-7 at naging host ng kiddie program and sumali sa epicseryeng ‘Amaya‘, kung saan naging best friends sila ng Kapsuo Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ilang taon na rin nang i-attempt ni Roxanne na i-reinvent ang sarili from being this wholesome actress to a wilder one by posing in men’s magazine. Madalang itong mag-cover, pero kita mo na talagang determined si ateh na mag-shine pa rin. May mga tinanggap itong sexy projects, pero hindi pa rin nag-take off ang karir. 

Isa si Roxanne ngayon sa cast members ng afternoon series na ‘Wildflower’ where she plays the role of Natalie. This month ay cover girl siya ng isang panlalaking magazine. Simple lang ang cover, but she’s so gorgeous! We hope na ito na ang first step ni Roxanne or Roxee B. na makamtan ang inaasam-asam na showbiz success. Stay wild!

ADVERTISING
ADVERTISING