Roselle Nava, sabik nang bumalik sa concert scene

Roselle Nava, sabik nang bumalik sa concert scene

Roselle Nava, sabik nang bumalik sa concert sceneGustung-gusto nang bumalik sa concert scene ni Roselle Nava. Kaya naman excited siyang mag-perform sa “Love Throwback” concert on Feb. 13 sa PICC kasama ng iba pang OPM icons like Rico J. Puno, Marco Sison, Gino Padilla, Wency Cornejo, Raymond Launchengco, Nina, and Chad  Borja.

“Na-miss ko rin talagang mag-perform with some people lalo na sa ganitong mainstream concert. Ang last show na ginawa ko was 2009 pa before I got married. Tagal na, five years na halos.

“I want to go back again, hopefully after election, to do maybe another album or concert kasi nakami-miss din talaga,” wish pa niya.

Pinag-iisipan din daw niya kung babalik din sa pag-arte katulad ng mga dati niyang kasamahan sa “AngTV”.

“Oo nga, eh, ang dami na ring bumabalik like sina  Jan Marini, Jolina, Claudine… they’re back, so hopefully bigyan din ako ng same opportunity. Kung sila nabigyan ng second chance, malay mo ako rin, ‘di ba? I would really like that,” pahayag pa ni Roselle na tumatakbo ring konsehal sa Parañaque para sa ikatlong termino.

Malungkot ding ibinalita ni Roselle Nava na hindi na siya puwedeng magkaanak ulit.

“Hindi na puwede. For medical reason din, ‘yung uterus lining ko is very thin na, kasi lahat ng 3 pregnancies ko were all CS section, eh. So, my doctor said it would be too risky for me to… we wanted sana to have a girl, pero ‘yon nga, dalawa lang ang kaya namin and we’re happy naman with that,” she said.

La Boka
by Leo Bukas