Rose Van Ginkel at Marco Gallo, pinatunayan ang pagiging aktor sa ‘Kitty K7’

SA TAGAL ng hinintay ng ex-teen Pop Girl member na si Rose Van Ginkel for her big break kung saan maipapakita niya ang kanyang kakayahan bilang isang aktres, tila worth the wait ang kanyang pagtitiyaga dahil para sa amin, ang pinagbibidahan niya na Kitty K7 ni Joy Aquino ang pinakamatino sa lahat ng sexy movies ng Vivamax.

Rose Van Ginkel at Marco Gallo, pinatunayan ang pagiging aktor sa 'Kitty K7'
Rose Van Ginkel and Marco Gallo

Ang Kitty K7 ay kuwento ng isang bored graphic artist named Hana na bumaba ang self-esteem nang hiwalayan ng kanyang boyfriend. Sa isang party ay nakilala at naka-one night stand niya ang isang attractive photographer named Krishan (played by Marco Gallo). Dahil sa isang ‘trip’ ni Krishan ay madidiscover ni Hana ang mundo ng pagiging cam girl at kung paano ito ginamit ni Hana para maramdaman niya na she is in control.

Nasanay na tayo sa mga pelikula ng Vivamax na sandamakmak ang maseselan na eksena at nagiging bayolente ang mga lalaki sa kababaihan. Nakakasawa na. Sa Kitty K7 ay mas nakasentro sa character development ni Hana ang kuwento. Hindi man tayo sang-ayon sa mga desisyon niya sa buhay, naipakita pa rin niya ang woman empowerment nang magdesisyon siya sa kung ano ang gusto niyang gawin sa kanyang buhay.

Una natin nakilala si Marco Gallo bilang PBB housemate and for a time ay sinubukang i-groom bilang boy-next-door cutie with his former onscreen partner. Kahit na may mga nagawa nang matured roles si Marco sa poder ng Viva, ang Kitty K7 ang nagpatunay na hindi lang siya basta hunk at pogi: He can act. Given the right material, maipapakita niya ang kanyang depth as an actor.

Rose Van Ginkel at Marco Gallo, pinatunayan ang pagiging aktor sa 'Kitty K7'
Rose Van Ginkel and Marco Gallo

Swak na swak kina Rose at Marco ang mga papel na kanilang ginampanan at ramdam mo na talagang isinapuso nila ang kanilang karakter. Bravo to writer Pam Miras and director Joy Aquino dahil lahat ng nakapanood ay nagsabing nagconcentrate sila sa kuwento at bonus lang ang mga sexy scenes.

Sana, matuto ang mga madalas magsulat at magdirek sa Vivamax sa pelikulang ito. Looking forward na kami sa more projects ng mga cast, staff and crew sa likod ng pelikulang ito. Hindi na kami magtataka kung makakahakot sila ng maraming nominations and awards sa mga darating na gabi ng parangal.

Previous articleAndrea Brillantes at Seth Fedelin, ayaw munang makatrabaho ang isa’t isa?
Next articleSO HOT! Gerald Anderson at Ivana Alawi, tinodo ang lampungan sa ‘A Family Affair’