Rosanna Roces, sinabotahe ang unang sabak sa radyo

ADVERTISING

Rosanna Roces, sinabotahe ang unang sabak sa radyo

Rosanna-RocesTILA SINABOTAHE ang unang sabak ni Rosanna Roces sa pagraradyo. Supposed to be ay noong Sabado, July 12, eere ang bagong radio show ni Osang from  9 P.M. TO 2 A.M. sa 106.7 ENERGY FM.

Ang daming excited fans ni Osang ang naghintay pero hindi umere ang hitad. Later, she posted a message, “Hindi ako umere tonight Medyo me kailangan yatang ipaliwanag ang GM ng station..sa me ari ..sa lahat. ! di ko gusto ang vibes…me negang nangyayari ..pag ok na kako tsaka ako sasalang… Me Malilintikan!”

Ano kaya ang nangyari? May humarang bas a show ni Osang? Kung meron, sino?

Before her airing date, panay ang post ni Osang ng messages. “Kung ako ang Masusunod pipiliin ko ang Mag radyo ng Buong Linggo..Hindi ba daw ako mapapagod tanong ng ibang kaibigan.

ADVERTISING

“Wala akong karapatang Mapagod Lalo’t Binigyan ako ng Panginoon ng isa na namang pagkakataon. Bawat trabaho ay Blessing kaya di ako dapat humindi. Tutal yung nagbigay sa akin ng Lahat ng Talento at biyaya ay sya ring Mag papalakas sa akin. Ganyan ako Magbalik ng Pasasalamat at Pagpuri…wagas!”

She also announced na merong pakontes para sa title ng show niya, saying, “TULOY PA DIN ANG PAGPILI SA MAGIGING TITLE NG PROGRAMA..MAG ABANG LANG LAGI SA MAPIPILI. Mag submit ng karampatang Title ng aking Magiging show sa Radio ang mapipili ay Magkakaroon ng Premyong LG cellphone , 2000 worth ng Gift Pack at appliances from Fudjidenso. Ang talk show ay Mapuso..Madugo..Mapanghamon at Makatotohanan lamang. Ibang iba at kauna unahan sa balat ng FM RADIO. Atin ng Simulan.”

Itsinika rin niya ang content ng kanyang show, explain that it is “anything under the sun ang pag uusapan..pede ring humingi ng payo sa mga problemang pampamilya…Pag ibig ..sekswal at pang lipunan o politikal. Walang script..Walang uurungan..pawang totoo lang. Mga hindi kayang sabihin ng mga Matatapang….ipag sisigawan..mga May pinaglalaban..bibigyan ng Tinig. kahit anung sektor ka napapabilang ..Pwede kang Mapakinggan . Opinyon o Hinaing. hantarang ihahayag. Sa mga pakawala at bayaran ..Kung ngayon pa lang, iniisip nyo nang ilagay ako sa alanganin..siguraduhim nyong kaya nyo ako sabayan. Di ako kayang hiyain dahil sa kahihiyan ako tumapang. Ipagtatanggol ang mga naapi at Magpapayo sa mga pinagdamutan ng Pang unawa. maging Ina..Ama..byenan..lalaki..Babae ..Tomboy o Binabae..May puwang kayong lahat sa Programang Gugulantang at gigising sa inyong Kamalayan. Magkakaalaman na kung sino ang tunay na May puso at kaalaman na hindi nakamit sa paaralan kundi sa Karanasan sa buhay na simbolo ng Diploma sa Buhay. (gamitin nyo ito sa pag gawa ng Maganda at Nararapat na Titulo ng Programang para sa Tao..para sa ating mga Pilipino)”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING