Rosanna Roces, pinahamak ang Showtime! – Mell Navarro

ADVERTISING

Rosanna Roces, pinahamak ang Showtime! - Mell NavarroRosanna Roces, pinahamak ang Showtime! - Mell NavarroNAKAGUGULANTANG ANG PAGKAKA-SUSPEND ng Showtime ng ABS-CBN dahil sa uncalled for na statements ni Rossana Roces (nang mag-judge ito nu’ng January 7) tungkol sa ating mga dakilang guro, na sinabihan pa nito ang isang grupo from Calamba, Laguna na “murahin” ang kanilang teachers dahil hindi mapa-explain dito kung bakit Rizal ang surname ni Jose Rizal (na tubong-Calamba) nito pero iba naman ang surname ng ama ng ating national hero.

Una, national hero si Jose Rizal. Ikalawa, napaka-noble ng propesyong ito para yurakan on air ni Osang, na kahit siya mismo ay inaming minura niya ang kanyang teachers noong student days niya.

ADVERTISING

Ikatlo, live kung live ang Showtime, kaya anthing goes at ‘di mo mapipigilan kung ano ang magaganap, unlike ‘pag pre-taped na puwedeng i-delete o i-edit ang isang very sensitive issue o statement na nabitawan ng guests.

Ikatlo, sobrang prangka kasi itong si Osang, pero sana ay pipiliin niya rin ang kanyang pananalita, lalo na’t nasa live television show siya, watched by so many people nationwide and worldwide.

Pinahamak ni Osang ang ABS-CBN’s gold mine show these days and ang 20 days na suspension from MTRCB na ito ay malaking bagay for the network. Kaloka naman itong si Osang, ‘di na naisip ang repercussion ng kanyang statements.  Dumagsa ang complains ng taumbayan sa MTRCB office, kaya in no time at all ay suspended ang show.

ADVERTISING

From GMA-7, “sinalo” na nga ng Dos ang career ni Osang, pero ito pa mismo ang gagawa ng ganitong kapalpakan? Hindi napahupa ang desisyon ng MTRCB, kahit na pinagtanggol pa ni Vice Ganda ang mga guro, at kahit na may official statement na ang Dos na may self-regulation na agad sila by removing Osang as judge the following day.

Pansamantala ay may new show na ipinasak ang Dos sa timeslot nito, ang Magpasikat. Mukhang matigas ang desisyon ng MTRCB kahit nag-motion ang Dos na ma-lift ang suspension. Lesson learned diyan ay piliing mabuti ang judges, hindi ‘yung magpapahamak sa kanila!

DAGDAG SA MILYONES ni Megastar Sharon Cuneta ang pagkakapanalo niya ng P2 million sa Who Wants To Be A Millionaire, huh!

Yap, two million richer itong si Shawie when she won sa TV-5 game show ni Vic Sotto. Eh, ang yaman-yaman na ng Megastar, kesehodang nawalan ng mana sa ama, hahaha!

Ang maganda naman sa aktres ay sa Hospicio de San Jose umano mapupunta ang kanyang premyo. Good Christian move talaga ‘yan and lalong magkaka-blessing si Sharon sa ginawa niya.

Samantala, nu’ng mag-guest sa The Buzz ang ex-hubby na si Gabby Concepcion, kilig-kiligan pa rin ang marami nang tinukso ng hosts na sina Ruffa Gutierrez and Kris Aquino si Gabo kay Shawie.

Ang question kasi ay tipong kung meron siyang babalikan sa nakaraan na ayaw niyang mapalayo (or something to that effect?), nabablangko’t pinagpapawisan si Gabby sa tanong ng dalawang madaldal na TV hosts.

“Bakit ba gusto n’yo pang marinig sa akin ang alam n’yo na ang sagot?” Sey ng guwapo pa ring Gabby na crush namin noong high school days namin. May gano’n?  Hahahaaa!

Iba pa rin talaga ang kilig ng Sharon-Gabby, one of the most successful love teams of Philippine Cinema, nu’ng humahataw pa ang movies sa showbiz industry. Kaso mo, ang kinumpirma pa lang na movie na gagawin ni Gabby ay ang film with daugther KC Concepcion, for this year.

Mapapanood muna si Gabby sa inaabangang Kung Tayo’y Magkakalayo sa Primetime Bida ng Dos starting January 18, with Kris, Albert Martinez, Gina Pareño, Coco Martin, among others.

‘Yun lang and babu!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING