Rosanna Roces, pakakasalan na ang lesbian lover

ADVERTISING

Rosanna Roces, pakakasalan na ang lesbian loverPakakasalan na umano ni Rosanna Roces ang kanyang lesbian lover. Ito ang sinabi ng aktres sa kanyang interbyu sa “Tonight With Boy Abunda” noong Miyerkules, February 17.

Nauna rito, inamin ni Osang kay Boy na mayroong siyang love life ngayon na ayon sa deskripsiyon niya, “Kakaiba, pero I found my match.”

ADVERTISING

Pagkukuwento pa ng aktres sa host, “Siguro naman naikukuwento ko naman lahat sa ‘yo. Alam mo rin kung paano ako magpalit ng lalaki noon, parang nagpapalit lang ng damit. Parang lahat is an experiment. Pero ‘yun nga, tapos na, wala akong natututunan, ‘di ba? Wala, parang may something is missing. So, ‘yun, nakita ko na ‘yung something missing.”

Sa kuwento ni Osang kung paano niya nahanap ang sinasabi niyang something missing, 15 years old siya noong nang magkaroon siya ng ka-on na babae. Itinira niya umano ang babae sa kanilang bahay kasama ang kanyang mga magulang.

Kuwento pa ni Osang, ginawa umano ang panganay niyang anak na si Grace, ” para maging anak namin. So, nagsama kami… ‘yung tiyan ko nu’ng five months, akala niya mahal ko ‘yung tatay ni Grace, which is not. Kasi ginamit lang talaga siya para magkaroon ng baby na palalakihin namin. So, naghiwalay kami. And after nun, wala na akong seryosong relasyon o kahit du’n sa naging esposo ko. Parang may kulang, e. Alam kong hindi ito.”

ADVERTISING

Pagkatapos ng 27 taon, muli raw silang nagkita ng kanyang lesbian lover. “Saka pakakasal kami,” anunsiyo pa ni Osang.

Sa pagkalkal namin sa Facebook ni Osang, ipinost niya ang larawan nila ng kaniyang lesbian lover na si Blessy Arias. Aniya sa post, “—__SALAMAT ___— — kasama sina Blessy Arias.”

Pahayag pa ni Osang sa nasabing post, “salamat sa pang-unawa at pagtingin sa sitwasyong ng may pagmamahal… tuloy tayo blessy!!”

Sagot naman ni Blessy, “Oo naman… Kahit saan, kahit kailan… Aayaw sa lahat pero sayo hindi…”

Na tinugon pa ng sexy pa ring aktres ng, “hahhahahaha sarap nyan bless”.

By Parazzi Boy

ADVERTISING