Rosanna Roces, pabalik-balik sa munti?!

ADVERTISING

Rosanna Roces, pabalik-balik sa munti?!Rosanna Roces, pabalik-balik sa munti?!MATAPOS ANG halos dalawang linggong pagbabakasyon sa Amerika kasama ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan at ang mga anak na sina Miel at Frankie, excited na ang Megastar na humarap muli sa telebisyon after almost mahigit isang taon na hindi ito nagtrabaho.

Sa US, nagpunta ang mag-anak sa New York kung saan sa expensive 5-Star hotel na The Plaza (sa harap ng Central Park) billeted ang pamilya. After ng kanyang bakasyon at pagre-recharge, sa susunod na buwan (mid-July) ay haharap muli sa kamera si Mega para ipagpatuloy ang kanyang trabahong naantala sa TV5.

Napag-alaman namin na tinatapos ni Direk Joey Reyes ang script ng drama series na gagawin ni Mega, kung saan kung hindi magkakaaberya, si Direk Joey na rin ang magdi-direk na ang tawag ng pamosong direktor ay telesine.

Kabilang ang project na ito ni Sharon sa mga telesine na gagawin ng Kapatid Network at kabilang na nga ang project ni Alice Dixson; Nora Aunor at Tirso Cruz III sa ilulunsad ng Kapatid Network sa huling bahagi ng 2013.

 

ADVERTISING

NAPADPAD SI Rosanna Roces sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa nang minsan nag-show siya sa loob ng Munti a couple of months ago.

Pero matapos ang ilang pagkakataon, nakikita na si Osang mag-isa sa Munti on her own na ilang beses pabalik-balik sa loob ng isang buwan.

Nang ipagtanong kung sino sa mga mahal sa buhay ng aktres na nakakulong para makita siya sa loob ng Munti on a regular basis, sabi ng source namin, wala namang kamag-anak ang aktres sa loob para dalawin.

Maging ang sexy star na si Katrina Paula na dinadalaw ang boyfriend na nakakulong, minsan na ring nakasalubong si Osang sa loob.

Sinasabi, may ibang “business” daw si Osang sa Munti kung kaya’t palagi siyang napagkikita roon.

Ngayon na hindi na aktibo sa kanyang showbiz career at kaliwa’t kanan ang mga aberya at iskandalo sa buhay na kinasasangkutan lately, isang malaking palaisipan sa nakakakita kay Osang sa loob ng Munti na hindi maipaliwanag ng ilan kung bakit.

Rosanna Roces, pabalik-balik sa munti?!

SA GENSAN, sa teritoryo ng mga Pacquiao nagkaroon ng pagtuturo para sa mga dati at bagong halal na maglilingkod sa sambayanan noong nakaraang eleksyon nang limang araw.

Kabilang doon ang mag-asawang Manny na re-elected as Congressman at Jinkee na first time politician bilang vice- governor ng kanilang probinsiya kasama ang pitong mayors at ang kanilang councilors; Sarangani governor at mga halal ng bayan na board members.

Ang naturang training ay pinamunuan ng mga taga-Ateneo, DAP at ng Bicol University’s Robredo Institute of Good Governance.

Bulong ng isang resource person sa amin, si Jinkee seryoso na nakikining sa mga paliwanag sa kanila at nagte-take down ng notes habang si Manny ay pa-petiks-petiks na walang kaseryosohan sa kanyang pagdalo sa limang araw na pagsasanay para maintindihan nila lalo ang kanilang posisyon, obligasyon at trabaho bilang mga halal ng bayan na tagapaglingkod sa sambayan.

Si Manny, walang ginawa kundi pagtayu-tayo at palaging lumalabas para mag-text at gumamit ng kanyang cellphone.

Mabuti na lang, hindi ako taga-GenSan, or less lintik si Pacman sa akin. Hahaha!

 

NANINIWALA KAMI na ang lahat, babae, lalaki, bakla o tomboy ay may karapatan at pantay-patay sa lipunan.

Hopefully makatulong na makapagpamulat ang beki-seryeng My Husband’s Lover para maintindihan ng mga straight at ng mga homophobic sa lipunan na tulad nila ay pareho lang tayo o baka mas matino pa nga at mas marunong magmahal.

Sana makapag-share ng positive insights on gays and bisexuals ang mga manunulat ng serye sa manonood tungkol sa buhay ng mga tulad nina Eric at Vincent.

 Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING