Rosanna Roces, nanuba ng kaibigang make-up artist?!

ADVERTISING

 Rosanna Roces, nanuba ng kaibigang make-up artist?! USAP-USAPAN LATELY ANG tungkol sa diumano’y panggugulang ni Rosanna Roces sa isang make-up artist. Kaibigan pa naman daw ito ng dating sexy actress. Na kapag nangangaila-ngan siya ng magmi-make-up sa kanya, lagi nga umanong on the go for her ang make-up artist na ito.

Kahit na wala raw agad na maibibigay na bayad si Osang at STF (soon to follow) na lang ang bayad sa serbisyo nito sa kanya, okey lang daw sa nasabing make-up artist. Katuwiran daw kasi nito, what are friends for sa kanilang dalawa.

ADVERTISING

Recently, nagkaroon daw ng project si Osang na medyo malaki-laki ang bayad. Something like two hundred fifty thousand pesos daw ang TF niya.

Siyempre pa, karay-karay nga raw ni Osang ang kaibigang make-up artist sa tatlong araw na ‘yon. Ang kaso, hindi cash kundi tseke ang nakuha umano niyang payment on her last day of shoot.

Kinabukasan, nagpunta raw ang driver ni Osang sa bahay ng make-up artist na inutusan umano ng aktres para manghiram muna rito ng pera. Kasi hindi pa raw nai-encash ang tseke.

ADVERTISING

Nataon na wala rin daw pera ang make-up artist kaya ang naging suhestiyon na lang nito ay ipa-rediscount na lang umano ang nasabing tseke. Ito pa raw ang nagturo kay Osang kung saan puwedeng ipa-rediscount ang nasabing check.

Pagkatapos no’n, hindi na raw muli pang nagparamdam dito si Ro-sanna. Hanggang nalaman na lang daw nito na naipa-rediscount na raw pala ang tseke. At ‘yong dapat na bayad sa tatlong araw na serbisyo nito sa aktres, hindi na iginibsung. Deadma na raw si Osang.

Hala!

Ang mahal kaya ng per day ngayon ng isang make-up ar-tist. So ‘yong tatlong araw na serbisyo, malaki-laking halaga rin nga kung tutuusin.

Hoping pa kaya ang make-up artist kung babayaran pa siya ni Rossana?

‘Yun na!

PINAG-UUSAPAN RIN NANG husto ngayon ang pagsama ng loob ni Willie Revillame kay John Estrada. Magkasaulian na raw kaya ng kandila ang dalawa?

Matalik kasing magkaibigan ang dalawa at talagang malalim na ang pinagsamahan nila. Para na nga raw magkapatid ang samahan ng dalawa.

Understandable naman kung sumama man ang loob ni Willie kay John. May naging usapan kasi sila ni John tungkol sa isang binubuong noontime show ng TV5.

Si John kasi ang umano’y iniri-recommend ni Willie na maging isa sa main host nito. At sa kagustuhan talaga na ma-dagdagan pa ang show ni John sa TV5, mismong si Willie pa raw nga ang nakikipag-negotiate for John na may consent naman daw ng huli.

Wala raw kaalam-alam si Willie na may nangyayari rin palang negotiation sa pagitan naman ng ABS-CBN at ni John tungkol sa isang bago ring show. Hanggang nagkapirmahan na ng kontrata, hindi pa rin daw alam ni Willie.

Ayon sa kampo ni John, balak naman daw sabihin nito kay Willie ang tungkol sa pinirmahang kontrata sa Dos para sa isang bagong show. Tumitiyempo lang daw ito.

Ang kaso, nauna nang napabalita ang tungkol dito na kaagad nakarating kay Willie bago pa man nasabi sa kanya ni John ang tungkol dito. Siyempre, nagulat ang TV host kasi wala nga siyang kaalam-alam sa mga kaganapan. Kaya gano’n na lang katindi ang naramdamang sama ng loob ni Willie kay John.

Kamakailan nang mag-birthday si Willie, balitang isang text ng pagbati ang ipinadala sa kanya ni John. Nakasaad din umano rito ang tungkol sa mensahe ng huli tungkol sa kung paano niya pa rin pinahahalagahan daw ang pagkakaibigan nila ni Willie at kung gaano nito kamahal ang TV host. Na anuman daw ang mangyari, he will always be a friend na laging nasa likod lang daw ni Willie.

Maaaring sensitibo si Willie pero pusong-mamon din daw ito pagdating sa mga kaibigan. Kaya ayon sa mga taong close pareho sa kanila ni John, pasasaan daw ba at magkakaayos din ang dalawa.

Tamang pagkakataon at panahon lang daw ang kailangan.

Ganyan?

 Rosanna Roces, nanuba ng kaibigang make-up artist?!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING