Rosanna Roces, nag-throwback sa career noon; may tips sa mga bagong sexy stars

MINSAN pang nakachikahan ng movie press si Rosanna Roces na nagbabalik-sigla ang mainstream movie career, pagkatapos mag-‘’lie low’’ sa loob ng 12-13 years.

Bagama’t tumanggap pa rin siya ng indie films noong mga panahong ‘yun, para hindi tuluyang ‘’mawala’’ sa eksena.

Rosanna Roces, nag-throwback sa career noon; may tips sa mga bagong sexy stars
Rosanna Roces

But now that she has signed a new management contract with Viva Artists Agency na si Veronique Del Rosario ang president, seems like bumabawi nang husto si Osang sa kanyang career — at 49 years old.

Looking back, paano nga ba nagsimula sa showhiz ang isang Rosanna Roces?

“Na-discover ako ni Vir Mateo.  Patapos nang gawin ‘yung Machete 2 ni Gardo (Versoza), ‘yung last sequence na kukunan, ‚’yung girl ay nag-inarte, ayaw makipag-love scene, so, ni-reshoot the whole movie. 

‘’Nagpahanap ng kapalit nu’ng girl.  So, kung ‘di siya nag-inarte, hindi ako naging artista.

‘‘Pero nag-e-extra-extra na ako noon, like sa movie ni Edu Manzano at Cynthia Luster, sa Seiko Films… Ito ‘yung tipong mas mahal pa ‘yung nakakain ko sa set kesa sa TF ko!“
Rosanna Roces, nag-throwback sa career noon; may tips sa mga bagong sexy stars
“Stupido talaga ako noong araw.  Hindi ako nag-iisip. Kahit na sino inaway ko noon. Akala ko lahat pwedeng gawin. Pero pinagsisisihan ko ‘yun.”

Sa loob rin ng pitong taon, naging host rin siya ng “Startalk” sa TV at ito ang naging platform niya upang “birahin” ang ilang mga nanlalait sa kanya.

“Akala ko noon kapag may showbiz talk show ka, may power ka na,” aniya.

“Umabuso din naman ako, pero hindi naman kasing grabe tulad ng iba.  Naging vehicle ko para makaganti sa mga nanlalait sa akin o nang-aaway sa akin sa showbiz.”

Hindi maitatangging naging sikat na sex goddess ng Philippine Cinema si Rosanna – pero lumipas ang maraming taon, nawala ang ningning ng kanyang bituin.

“Parang naglalabanan noon ang mga producers sa pagbibigay ng cake kapag birthday mo,” Roces recalled. “Paramihan sila dahil sikat na sikat ka noon.

“Kapag pawala ka na, unti-unti ng nawawala ang cake. Hanggang wala na talagang nagbibigay. ‘Yun ang pinakamalaking palatandaan.

“Okay naman sa akin ‘yun. Alam kong walang nananatili sa itaas. Lahat ng tumataas, bumababa din.”

Rosanna Roces, nag-throwback sa career noon; may tips sa mga bagong sexy stars
Rosanna Roces movies: Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin and Ang Lalaki sa Buhay ni Selya

Bilang isang sexy star noong 1990s, humataw sa takilya ang kanyang “Basa sa Dagat” (1995), “Patikim ng Pinya” (1996), among others.

“Wala akong hesitation, no limitation at wala rin akong inhibition noon,” pag-amin niya.

Anu-ano ang mga hindi niya malilimutang roles sa pelikula?

“Marami.  Pero kung ang pagbabasehan natin ay ‘yung memorableng shooting, unang-una ay ang ‘Curacha, Ang Babaeng Walang Pahinga’ (Seiko, 1998)… Bakit?  Kasi, sa kalsada ang mga shooting nito.

“Tipong 5 o’clock ng umaga, doon pa lang kami nag-uumpisa.  Ang hirap mga location.

“Sinundan ng ‘Ang Babae Sa Bintana’ (Regal, 1998)… Parehong Chito Roño ito.  Dito, may scene na sinampal ako ni Goma (Richard Gomez) na sa isang take, apat na sampal!  Eh di ba, ang laki ng kamay niya ?

“Tapos, pagkasampal niya sa akin, ‘di ko dapat hawakan ang mukha ko, pero dahil sa sakit, hindi ko natanggal ang kamay ko (sa pisngi ko).  Naku, minura-mura ako ni Direk Chito, ‘Punyeta ka, ano’ng acting ‘yan?’

“Umiyak na lang ako, wala akong kalaban-laban noon, siyempre, Chito Roño ‘yan eh.  Pero ‘pag ganoon naman yan, magpapabili na lang ‘yan ng something, aamuin na naman niya ako after ng take.  Pero ‘pag napanood mo naman, ang ganda talaga,” nakakatuwang pagto-throwback ng aktres.

Sino ang all-time favorite leading man niya?

“Christopher De Leon talaga.  Consistent siya.  Saka hindi lang ‘yun, makikita mo kung paano niya rin alagaan ang sarili niya. 

“Artistang-artista talaga na may edad na, pero matigas pa rin, matipuno pa rin.  Pang-leading man pa rin talaga.”

Most favorite movie na ginawa niya?

“’Yung La Vida Rosa namin ni Diether Ocampo.  Kaya ko siya nagustuhan kasi, nando’n si Vic Diaz.’’
Rosanna Roces, nag-throwback sa career noon; may tips sa mga bagong sexy stars

Kapag pinapanood niya ang old movies niya, ano’ng nararamdaman niya?

“Kasi, noon, hindi ko pinapanood ang mga movies ko.  Pero meron talaga akong tawang-tawa…  Like ‘yung ‘Patikim Ng Pinya’ (1996)…

“Paano ka manonood eh wala namang premire night ang Seiko?  ‘Yung mga taong nakapanood, sila lang ang magku-kuwento sa ‘yo na nakakatawa raw.  Sabi ko, bakit kaya sila natawa?  Ano’ng nakakatawa doon?

‘‘So, nitong five years ago, pinanood ko, nasa YouTube na siya.  Natawa nga ako, tawang-tawa ako!

“Parang, ‘Shit, ito pala ang mga pinaggagawa ko, puro kabaliwan!  Nakakatuwa talaga.

“Kasi noon, nagbe-bread trip lang ako, kailangan ko lang kumita, wala akong pakialam sa acting.  Wala akong pakialam sa istorya, pero nakakatawa pala!”

Since nasa Viva management na si Osang, she appeared on ‘’Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar” on Vivamax, ganoon rin sa upcoming sex-comedy film na “Kaka” na sa same streaming platform ang release.

Rosanna Roces, nag-throwback sa career noon; may tips sa mga bagong sexy stars
Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces, AJ Raval and Alma Moreno

Sa “Pornstar”, pinakilala ang new hot babes na sina AJ Raval, Ana Jalandoni, and RoseVan Ginkel, while in “Kaka”, introducing rito ang internet sensation na si Sunshine Guimary.

Ano ba nag “tips” ni Osang sa new sex symbols na ito na kasama niya sa mga nasabing proyekto?

“Sabi ko lang sa kanila, ‘Pag pinasok mo ang ganitong role na pagpapa-sexy, dapat ay buo ang loob mo, tatagan mo ang sarili mo… Matigas ang mukha mo!

“Sa showbiz, hindi puwedeng weak ka.  It’s either iiyak ka na lang, tatanggapin mo ang mga sasabihin nila, or paglalaruan mo sila.  Tinuturuan ko rin  kung papaano.

“Si Sunshine, ganoon rin, ang daming kuwentong nakuha sa akin niyan noong nag-shoot kami ng ‘Kaka’… “

Ang suwerte ng newcomers na ito learning from her na – na “nakatawid” from being a sexy star to becoming an award-winning actress.

“Eh kasi, nanggaling rin naman ako sa pagiging baguhan.  Masuwerte nga sila… Ako noon, minu-mura-mura ako, ‘di ba?  Hinahagisan ako ng script!

“Kasi, madaldal ako.  Sabi nila, ‘Hoy! Kesa magdaldal ka diyan, mag-memorize ka ng script!’  Hindi nila alam, memorized ko na.  Magaling kasi akong magmemorya talaga.

‘’Kahit na ano’ng sabihin nila, pero pagdating sa harap ng kamera, dapat ay professional,’’ pagtatapos ni Osang.