Rosanna Roces, na-censor sa pagbanat kay Bong Revilla! – Morly Alinio

ADVERTISING

Rosanna Roces, na-censor sa pagbanat kay Bong Revilla! - Morly Alinio

Rosanna Roces, na-censor sa pagbanat kay Bong Revilla! - Morly AlinioMarami ang nagtataas ng kilay sa magaganap na kasalang Korina Sanchez-Senator Mar Roxas matapos na sabihin ng mga ito na walang reception na mangyayari sa kanilang wedding.

ADVERTISING

Ang katuwiran ng future husband and wife, ido-donate na lang nila sa Red Cross ang perang gagamitin sa handa, para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng. Sinabi ng mag-asawa na hindi makabuluhang gumastos sila ng marangyang kasalan kung marami naman tayong kababayang nagdarahop.

“Naku, tigilan nga nila ang drama nila, ‘no. Minsan lang dumating sa buhay ng mag-asawa ang kasal tapos ido-donate pa nila ‘yung perang gagamitin nila sa reception. Malinaw na gusto lang kunin ni Senator Mar ang simpatiya ng mga tao,” pahayag ng isang taong nakausap namin.

“Actually, desisyon nila kung ayaw nilang maghanda sa wedding nila pero sana huwag na lang nilang gamitin ang pag-iisang dibdib nila para sa political career,” dagdag ng aming kausap.

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

Kontrobersiyal ngayon ang programang Juicy ng TV 5 na mapapanood mula Lunes-Biyernes, 11:30-12:00 (tanghali at gabi) dahil sa ginawang disapproval ng MTRCB sa Monday episode ng show nina IC Mendoza at Alex Gonzaga. Ang dahilan ay si Rosanna Roces, matapos na “wasakin at durugin” ang Revilla family. Marami kasing pinakawalang “lason” si Osang laban kay Senator Bong at kay Lani Mercado.

Sa taping pa lang ng interbyu ni Osang, napapanganga na ang mga taong nasa loob ng studio kaya ganu’n na lang ang ibinigay na extra care sa pag-e-edit ng nasabing epidose, pero sad to say, hindi pinayagan ng MTRCB na ipalabas ang nasabing programa kaya napilitang mag-replay ang Juicy noong Lunes.

Nakakikilabot ang mga binitiwang salita ni Osang laban sa mga Revilla na kung isusulat naming lahat sa kolum na ito, baka masangkot pa kami sa libelo kaya mas minabuti naming huwag na lang.

Ayaw nang magbigay-komento ng mag-asawang Lani at Bong sa kung anuman ang mga pinakawalang litanya ng dating sexy atress. Mas marami pa raw silang mabubuting magagawa kaysa patulan ang mga taong wala naman daw maidudulot na mabuti.

Tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Sam Milby at Anne Curtis kung saan, isang promo girl ang papel ni Anne samantalang isang Psych professor naman si Sam.

“Actually, matagal din kaming walang communication ni Sam since mag-break kami,” say ni Anne na nagsabi ring almost one year din siyang hindi nakapag-move on sa split nila ni Sam.

Aminado si Anne na maraming cherished moments ang hindi niya makalilimutan noong mga panahong sila pa ni Sam. “Ang sarap kasing maging girlfriend niya dahil mararamdaman mong mahal ka niya talaga.”

Sinabi ni Anne na kung meron mang lalaki na naging bahagi ng kanyang buhay na nanaisin niyang mahalin muli, si Sam iyon. “Mabait kasi siya, at ease ako ‘pag siya ang kasama ko.”

Inamin ni Anne na madalas silang magkasama ngayon ni Sam pero hindi ibig sabihin, nagkabalikan na sila. “Never kong kino-close ang door ko sa possibility ng balikan pero so far, magkaibigan lang po talaga kami ngayon.”

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING