Rosanna Roces, marami raw kaaway kaya minamalas

Rosanna Roces, marami raw kaaway kaya minamalas

Rosanna Roces, marami raw kaaway kaya minamalasUnfair naman para kay Rosanna Roces na mapagbintangan na mahilig lang daw mang-away at tamad magtrabaho. Sa totoo lang kasi, kapag naman mayroong magandang offer at gusto niya ang role, ratsada namang gustong gumawa ni Osang ng teleserye o pelikula. Katulad na lamang nitong huli, na lumabas siya sa isang episode ng “Ipaglaban Mo!” sa ABS-CBN, at ilang indie films din naman ang kanyang nasimulan.

Hindi rin naman kasi basta puwedeng sumabak si Rosanna Roces sa isang project kung ang gagawin ay hubaran pa rin. Para sa kanya, nagawa na niya iyon at nagmarka na iyon, kaya tama na. Napatunayan na rin naman niya na magaling siyang artista, kaya gusto niyang doon na siya gamitin para sa pelikula. Walang problema si Osang kung hindi na ito ang panahon ng kanyang kasikatan, dahil ang katunayan daw noon ay mayroon na siyang mga apo na nagpapasaya sa kanya ngayon.

Totoo naman na nakarami na rin si Rosanna ng mga kaaway. Kasi nga, palaban siya. Pero mali ring sabihin na may mga panahong minamalas siya dahil marami siyang kaaway. Hindi rin. Ang napababalita lang kasi ay ang mga nega na nangyari dati kay Osang, pero kung kakalkalin naman ang kuwento ay kung anu-ano ring kanegahan ang nangyari sa buhay ng iba niyang nakaaway sa showbiz. Kaya huwag namang ituro lang ang paninisi sa dating TF Queen, dahil itataas lang niya ang kanyang kilay, huh!

ChorBA!
by Melchor Bautista