Rosanna Roces, ipinagtanggol si Direk Cathy Garcia Molina sa isyu ng pambabastos at pamamahiya sa ekstra

Rosanna Roces, ipinagtanggol si Direk Cathy Garcia Molina sa isyu ng pambabastos at pamamahiya sa ekstra

Cathy-Garcia-Molina-Rosanna-RocesIsa si Rosanna Roces sa mga showbiz celebrities natin na very vocal. Kung ano ang opinyon niya at nararamdaman, asahan mo isinisiwalat niya at itinatawid.

Sa isyu ng pagmumura ni Direk Cathy Garcia Molina, idinipensa ni Osang ang direktor ng hit teleseryeng “Forevermore” na pinagbibidahan nina Liza Sobrerano at Enrique Gil, dahil sa pambabastos diumano at pamamahiya ng direktor sa dalawang talent (bit players) sa palabas.

Naging viral sa social media ang pahayag ng karanansan nina Rossellyn Domingo at Alvin Campones.

Pero heto si Rosanna Roces, isa sa mga out-spoken, nagbigay ng kanyang opinyon sa isyu na isinulat niya sa kanyang Facbook account kamakailan.

Ayon kay Osang: “Ang Showbiz ay hindi para sa mga Balat Sibuyas. Kami man ay nakatikim din nang katakut takot na panlalait at pagmumura bago kami talagang natuto at naging Magaling. sino ba ang makakalimot sa mga malalaswa at nakaririmarim na Instruksyon ni Mauro Gia Samonte. Mga malulutong na Punyeta ni Chito rono ..at ang kahindik hindik na presensya ni Armida Sigueon Reyna. ?

“Lahat ng yan ay nakatulong para mahubog kung anong klaseng Artista ako ngayon,” sabi ng aktres.

Dagdag pa ni Osang: “Napakahirap maging Direktor…sinubukan kong minsan katuwang ni direk Buboy Neal Tan at di ko na sinubukang muli. Grabe ang stress, Pressure at Pagod. di ko kaya. me mga bagay pala talagang kinakaya ng sariling pag iisip at lakas pero marami ring hindi. di ko na muling binalikan ang pangarap na makapag direk.

“Nung nasa Seiko (Films) pa ako sa pangangalaga ng butihing Mr. Robbie Tan ay Ipinagbabawal ang aking dating esposo sa shoot ‘o kahit saan na kung saan kami ay makikita nang tao. Una ay di ko mawari kung bakit kailangan ipagbawal pero bandang huli ay naunawaan ko din.

“May mga tagpo o sitwasyon sa mundong ginagalawan ko na kapag di naarok ng kabiyak ang ibig sabihin ay tyak na masasaktan. Naging emosyonal naman masyado ang babaeng nagrereklamo kay Direk Cathy Garcia Molina.

“Simple lang yan, kung di mo naman pala kaya ang mundo ng pelikula..Eh di sana di mo pinasok! Namura ka lang kailangan pa bang hiyain ng todo ang taong mas pagod…mas puyat at di hamak na mas maraming Iniisip kesa sa yo!

“Mag- call center kayo ng Jowa mo kung gusto mo…for all we know kaya ka nagkakaganyan eh naging madamdamin ka dahil sa palagay mo ay napahiya ang boypren mo. walang napahiya dyan…di yan tumatagal sa isip o guni guni ng mga pagod na crew. Mas masahol pa dyan ang nararanasan nila. kami ay merong sagradong Batas na tahimik na pinatutupad..yan ay ..Me kanya-kanya tayong topak. Artist aka man o’ direktor. Irerespeto ko ang topa mo ngayon pero pag ako ang tiopak respeto mo din.

“Ganyan kasimple pero ang kinalalabasan niya ay isang magandang obra,” opinyon ni Osang sa isyu.

Tama si Osang, kung balat-sibuyas ka, huwag mong pasukin ang showbiz.

Ngayon na pinag-uusapan na sina Rossellyn at Alvin, what’s your next project? Or better get out of our industry at manood na lang kayo ng telebisyon or sine.

Reyted K
By RK VillaCorta