Rosanna Roces, inindiyan ang sariling premiere night – Tita Swarding

ADVERTISING

Rosanna Roces, inindiyan ang sariling premiere night - Tita Swarding

Rosanna Roces, inindiyan ang sariling premiere night - Tita SwardingOLACHIKKA. MAHULAAN N’YO kaya kung sino itong aking pahuhulaan ngayon?

ADVERTISING

Naku, mga kafatid, true ito dahil ang nagtsika sa akin ay isang malapit na friend ko na nagtatrabaho sa isang kilalang hospital sa Metro Manila.

Hmmm….Nakawiwindang talaga dahil sino ba naman ang mag-aakala na sa linis ng tingin ng lahat ng tao sa actress/singer/model na ito ay tila isang dyosa na hindi makabasag-pingan.

In fairness, marami ang humahanga sa hitad na aktres na ito.Tila naikot na niya ang apat na sulok ng showbiz dahil sobrang kilala itong si aktres.

ADVERTISING

O, maaga pa lang ay may clue na ha! Inakala ng lahat na ang aktres na ito ay ganu’n kaingat pero mga Ining, Inday at Ondoy, nagkakamali kayo, este, tayo pala, sa pagkakilala kay aktres dahil ang aktres na ito ay nagpalaglag  pala, huh?

[ad#post-ad-box]

Yes. Tama ang inyong nabasa. Nagpalaglag na itong si sikat na aktres at ang balitang nakabuntis sa hitad ay ang boyfriend nitong foreigner.

Ha! Ha! Ha! Naloka kayo, ‘no! Kaya nalaman ng aking spy friend ang tsika, e, dahil sa isang doctor ng hospital niya nakuha ang kuwento at ang aking friend ay nandu’n at nakatunganga habang nagku-kuwento si Doc.

Bonggacious , ‘di ba? Bukod du’n, ang aktres na ito ay apat na beses nang nagpaayos ng kanyang, ehem! Ha! Ha! Ha!!

Tila unti-unti raw pinapasikipan ni sikat na aktres ang kanyang keps.Tsk,tsk,tsk. Naku, ha! Nakakaloka ang blind item na ito.

Hindi pa naman katandaan itong si aktres dahil bata pa ito pero ganu’n na lang siya kung magpasikip ng kanyang keps! Alam n’yo ba kung bakit?

Kasi, pati rin ang kapareha nitong guwapo at kilalang aktor ay halos araw-araw siya kung i-dyug. Ha! Ha! Ha!

Aray ko po! Naku, ha! Hindi na kailangan ng clue dahil naging kontrobersyal ito sa Pinoy Parazzi. ‘Yun na!

TILA HINDI NA nga nag babago ang isang Rosanna Roces.Kahit na ano pa ang ipukpok sa ulo nito ay tila matigas na ito na parang isang bato, huh!

Yes, dahil gumawa na naman ng isang kontrobersiya ang aktres nang hindi niya sinipot ang premiere night ng pelikulang Baklas kung saan isa siya sa bida. Bukod du’n, ito rin ang kanyang kauna-unahang pagdidirek ng pelikula.

Pero ano ang ginawa ng hitad? Wa sipot ang lola n’yo. Ha! Ha! Ha!

Inis nga raw ang ilang mga kasamahan ko sa hanap-buhay dahil bukod sa walang laman ang bulsa ay tila hindi sila nakakuha ng malaking balita kay Osang.

Itatanong kasi sana sa kanya kung ano ang nangyari sa isyu nila ng pamilya Revilla, e, ang kaso, pilit na umiiwas si Rossana kaya pati ang sariling pelikula ay inindiyan.

Katuwang niya sa pagdidirek ang aking friend na si Direk Buboy Tan na hindi makapagpaliwanag kung bakit hindi nagpakita si Osang kahit na ang sabi sa akin ng beauty queen actress na si Maria Isabel Lopez ay darating siya.Naku ‘day, namuti na lang ang aking mga mata pati ang ilan na nag-aabang.

Maaga pa lang ay sinabi na sa akin ng isa kong friend na producer ng pelikulang Ataul for Rent na si  Tonet Gadang na hindi raw makararating si Osang dahil nasa Pampanga raw ito at naipit sa traffic.

Hesus Maryosep, napakababaw na dahilan, ‘di ba?  Kaya maraming bigo na kasamahan ko sa hanapbuhay dahil walang Osang na nagpakita.

Ito pa ang nakarating sa akin. Nagtatago raw si Osang ngayon sa mga reporters.’Yan ang nakarating sa akin.

Sa totoo lang, no comment ako sa pelikula kahit na kasama ako sa movie. Napaka-disorganize ng premiere night dahil marami ang nakikialam kaya nag-walkout ang beauty ko.

As of press time, biglang nag-text ang isa naming source na kaya raw hindi nakarating si Osang ay dahil hindi raw ito pinayagan ng bago nitong boyfriend na taga-Malolos, Bulacan at isang lawyer.

Nagpakasal na raw kasi ang dalawa, huh!

Ang sabi pa ay wala raw bisa ang kasal ni Osang sa dati nitong asawa na si Tito.

Nakakaloka, huh! 37 years old na si Osang at ang boyfriend niya na may initial na RB ay 40 years old naman. Ang tanong, ang lawyer ba na ‘yon ang dahilan kung bakit hindi nagpunta si Osang sa premiere night ng kanyang sariling pelikula?
Dismayado raw ang producer ng Baklas dahil sa hindi pagsipot ni Osang sa premiere night at isa pa, wala na raw panahon na makapag-promote ang aktres ng pelikula dahil naka-ban ito sa channel 2, channel 7 at sa TV5.

Kawawanag Baklas. Binakla kasi. Ha! Ha! Ha!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING