Rosanna Roces, hindi makalimutan ang panlalait ng isang senior star

Leo Bukas
AMINADO si Rosanna Roces na may stigma talaga ang pagiging sexy star niya noon. Naranasan niya raw na mismong kasamahan niya sa showbiz ang nangmamaliit sa kanya.

“Pinakamahirap na stigma sa showbiz ay yung nasa loob na rin ng showbiz. Parang sinasabing, ‘Ay, wala namang alam gawin yan kundi maghubad,’” pagtatapat ng isa sa bida ng Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar ng Viva Films na mapapanood sa VivaMax simula Jan. 29.

Rosanna Roces, hindi makalimutan ang panlalait ng isang senior star
Rosanna Roces

Patuloy ni Osang, “So naging mahirap para sa akin ang pagtawid… lalo na pag awards night, magaling ka naman pero hindi ka papanalunin kasi sexy star ka lang.

“Laging ganu’n kaya ang hirap bago ka nakatawid sa pagiging serious actress. Nakakarinig ako ng hindi maganda sa loob ng showbiz mismo.”

Dumating din daw sa point na pinatulan niya ang isang senior star na nilait ang pagiging sexy star niya.

‘Sabi niya, bakit daw ako ini-interview ng one-on-one? Bakit daw sila nu’ng in-interview magkakasama. Bakit daw ako binibigyan ng ganu’n spot, eh, wala naman ginawa yan kundi bumukaka.

“Ganu’n ‘yung term niya na tinandaan ko talaga. Parang siya lang yung magaling? Nu’ng nakarating sa akin yung sinabi niya, dinaanan ko sinabi ko sa harap niya, ‘Pasensya ka, panahon ko ngayon!’” pagre-recall ni Osang.

Samantala, masuwerte namang walang ganitong stigmang na-experience ang isa pang bida ng Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar na si Alma Moreno.

Rosanna Roces, hindi makalimutan ang panlalait ng isang senior star
Ara Mina, Maui Taylor, Rosanna Roces, AJ Raval and Alma Moreno

“Wala naman akong experience na binastos sa labas kapag namamasyal ako kapag kasama ko ang mga anak ko. Wala akong naramdaman na ganu’n.

“Pag nasa shooting kasi ako noon pag pa-sexy ako kasi ang youngest bold star noon o nasa labas ako. Na-maintain ko lang yung respeto. Iba kasi ako pagdating sa screen, iba naman pagdating sa personal kasi nakamaong ako, naka-t-shirt or polo kahit make-up wala ako. Hindi ako nakaramdam na bastusin ako. Wala naman akong nakaeksena na minaliit ako sa awa ng Diyos,” kuwento ni Alma.

Ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar ay sa direksyon ni Darryl Yap. Kasama rin sa pelikula sina  AJ Raval, Rose Van Ginkel at Ana Jalandoni.