Rosanna Roces, goodbye na rin sa pekeng boobs

ADVERTISING

Rosanna Roces, goodbye na rin sa pekeng boobs

Rosanna-RocesISA PA sa nagbabalak na ipatanggal ang silicon implant niya ay itong si Rosanna Roces na hayagang inamin na panahon na para ipatanggal niya. “Ayaw kong magka-cancer. Mahirap na,” kuwento niya sa media.

Ngayon pa na left and right ang projects ni Osang na super busy na naman siya ngayon sa kanyang dating napabayaang showbiz career, tila seryoso na naman ang aktres na harapin ang respnsibilidad niya bilang artista.

‘Di nga ba’t katatapos lang niya ang pelikulang Padre de Familia with Nora Aunor and Coco Martin na first produced movie ng aktor? Sinundan naman ito ng Hustisya with Nora again sa direksyon ni Joel Lamangan.

Kung pababayaan ni Osang ang sarili, baka dahil sa implant sa boobs niya eh, magkatotoo ang takot niya at mapapabayaan niya ang namuulaklak na career muli sa showbiz.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING