Rosanna Roces, ‘di raw kabit ng drug lord pero aminadong nagdadala ng babae sa Munti

ADVERTISING

Rosanna Roces, ‘di raw kabit ng drug lord pero aminadong nagdadala ng babae sa Munti

Rosanna Roces with partner Blessy Arias
Rosanna Roces with partner Blessy Arias

Isinabit ng isa sa mga government asset na si Arile ang pangalan ng aktres na si Rosanna Roces sa isyu ng droga sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

ADVERTISING

Sa maigting na kampanya ng gobyernong Rodrigo Duterte laban sa droga, laking gulat ng aktres na sa kanyang pananahimik ay isinabit ang pangalan niya.

Kahapon din, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nilinaw ni Osang ang isyu para linisin ang kanyang pangalan.

Sabi ng asset, si Osang diumano ay “mistress” ng isa sa mga drug lord na nakakulong sa loob ng Munti.

ADVERTISING

Pahayag ni Osang sa kanyang FB, “Paanong magiging mistress ako eh babae ang dinadala ko ke Enteng? Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko.”

“Kung naging mistress ako, ‘di sana nabayaran ko ang P2 million na talo ko sa kaso sa GMA. Hindi na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako. Hindi droga ang business ko sa bilibid: Monterey, taga-deliver ng karne. Isang tao lang ang kausap ko doon, iyong sinasabi nilang si Vicente Sy. Madaling magtahi ng kwento pero mahirap ang magpatunay,” paliwanag pa ng aktres.

Bukod sa pagiging “manager” ng mga babae na ipinapasok niya sa loob ng Munti (for pleasure), nakapag-show na siya sa loob ng NBP kasama si April Boy Regino at ang sexy singer na si Selina Sevilla.

Bukod sa pagdadala ng babae at sa pagsi-show sa loob, “Other than that wala na akong naging dahilan para bumalik. Lalo na nung ang huling nadala ko palang babae ay may sakit,” pahayag ng aktres sa kanyang FB kagabi.

Sa ngayon, bukod sa isyung kinasasangutan ni Osang dahil sa maling information ng asset, abala siya sa paghahanda sa kanyang kasal with her longtime karelasyon na si Blessy Arias na partner ng aktres.

Kababalik lang nina Osang ng Manila galing sa Legazpi City.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING