Rosanna Roces, buntis sa bagong boyfriend?! – Morly Alinio

ADVERTISING

Rosanna Roces, buntis sa bagong boyfriend?! - Morly AlinioRosanna Roces, buntis sa bagong boyfriend?! - Morly AlinioGALIT NA GALIT si Rosanna Roces sa anak na si Grace Adriano dahil ginawa raw nitong miserable ang nakaraang Pasko at Bagong taon.

“Masamang anak siya dahil kung mabuti siya ay hindi niya ako gaganituhin.” Pahayag ni Osang na magdamag na umiyak noong Christmas dahil hindi nakapiling ang apo na si Budoy. “Alam niya na si Budoy lang ang mundo ko, kulang na lang ay ako ang magluwal sa batang iyon, alam ni Grace kung anong hirap ang dinanas ko sa apo kong iyon. Kung mahal niya ako ay hindi sana niya ako niloko at pumayag na ibigay ang costudy kay Jolo.” Sigaw ni Osang sa kabilang linya habang kausap namin.

ADVERTISING

Ayon kay Osang, si Grace daw ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng problema noon nina Lolit Solis at pati na ni Dra. Vicki Belo. “Hindi man lang inisip ni Grace na isinakripisyo ko ang lahat dahil mahal ko siya. Ako, bilang ina, minahal ko siya nang todo. Pero siya, bilang anak ko, hindi ko man lang naramdaman na binigyan niya ako ng konsiderasyon. Imagine, tingnan mo nga ang ginawa niya? Matino ba ‘yang ganyan na alam na niyang may asawa na siya, bakit si Jolo pa ang nagbabayad ng tinitirhan niya?

Sakabila ng lungkot sa apong si Budoy at pagkamuhi sa anak na si Grace, labis ang pagpapasalamat ni Osang dahil may kasalukuyan itong boyfriend na nagmamahal sa kanya. “Hay, naku! Ayoko munang magsalita, basta masaya ako ngayon. Sige ipagdamot nila sa akin si Budoy dahil kapag nagtuluy-tuloy itong nararamdaman ko ngayon, magkakaro’n ako ng sariling angel na aalagaan ko.”
Buntis si Osang? “Ayokong magsalita baka maudlot, ayoko?” Humahalakhak na pagwawakas ng dating sexy actress.

“KUNG NAAWA AKO kay Hayden? Bakit naawa rin ba siya sa akin?” May katarayan pero pa-sweet na pahayag ni Katrina Halili nang itanong namin sa kanya kung ano ang nararamdaman niya ngayon kay Hayden Kho. “Actually naapektuhan talaga ako sa isyu noon. Buti na lang at marami akong kaibigan na nasa likod ko at sumuporta sa akin.”

ADVERTISING

Sa masayang pakikipag-usap namin kay Katrina sa kanyang 9 million pesos worth na bahay, sinabi niyang close book na ang naging isyu nila ni Hayden pero hindi niya mapipigilan ang mga tao kung paulit-ulit na itanong iyon sa kanya. “Basta ang masasabi ko lang mahal ako ng Diyos at nu’ng mga time na bagsak ako ay hindi niya ako pinabayaan kaya heto tuluy- tuloy pa rin ang projects ko ngayon.”

Speaking of project, may nagbulong sa amin na after ni Sunshine Dizon, si Katrina ang magiging Perena sa bagong Encantadia na bagay sa image ng aktres dahil tunay namang nakakapagbabago nang damdamin ng dalaga dahil kaya niyang maging api at marunong din siyang lumaban, bagay na katangian ni Perena.

“Naku ayoko pang pag-usapan iyan dahil mahirap na, no comment muna ako. Pero if ever na ibigay sa akin ang role why not,” pagwawakas ng aktres.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING