Rosanna Roces, bawal sa TV?! – Tita Swarding

Rosanna Roces, bawal sa TV?! - Tita SwardingRosanna Roces, bawal sa TV?! - Tita SwardingOLA CHIKKA! MALAKAS na talaga ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson, dahil mismong ang dating panghapon lang na loveteam na Aljur Abrenica-Kris Bernal, ngayon ay itinapat na sa tambalang Kimerald.

Binigyan nga ng primetime series sina Aljur at Kris para itapat kina Kim at Gerald ng Kapamilya. Pero kapansin-pansin nga na naman na halos ginawa na nina Aljur at Kris ang lahat para mag-klik ang kanilang tambalan.

Kung ang tambalan nga namang Kimerald, pakimi pa pagdating sa kissing scenes, itong Alkris ay tila kagatan talaga ng labi ang dalawa, na kitang-kita naman ng lahat, sa todo-promote nga ng kanilang panggabing palabas.

Aminado naman ang naka-chikka-han ng aking parazzi girl na taga-Kapuso network na ito talaga ang pangtapat nila sa Kimerald loveteam.

Eh, ano naman kaya ang pangtapat nila sa bagong sibol na love triangle ng Kapamilya na Enchong Dee-Erich Gonzales-Ejay Falcon na nag-hit na rin ngayon? Hmmm…

PINAGBUBUTIHAN NGA RAW ngayon ng host ng Starstruck na si Carla Abellana ang abilidad niya sa pagho-host, dahil marunong nga naman ang dalaga. Ito nga raw kasi ang pantapat ng Kapuso sa PBB host na si Toni Gonzaga.

Kaya bukod sa acting, pinag-iigihan pa ng dalaga ang kanyang hosting na ikinatutuwa naman daw ng mga sumusuporta sa kanya, dahil nga sa magandang feedbacks.

In fernezz nga naman talaga, magaling din ito. Kaya ‘wag naman sanang lumaki ang ulo. Naku, ha?! ‘Yun na!

QUEEN OF INDIE movies na raw ngayon ang sexy actress na si Rosanna Roces, dahil kahit na mga barya-barya lang ang offer ay go agad ito.

Kahit ano nga raw, tinatanggap nito basta may ipantawid-gutom lang daw ito at pambayad sa mga pinagkakautangan niya, sa sobrang dami nga raw. Nakakaloka, huh!

Ngayong taong ito, kaliwa’t kanan daw ang offers sa hitad. Bonggacious, ‘di ba? Sa kabila nga ito ng mga balitang naglabasan na pinagbabawalan si Osang ng MTRCB na ma-interview sa kahit na anong show sa telebisyon, kaugnay iyon sa mga isyung pumutok sa kanya, at ngayon naman ay sa mga teacher. Nakakaloka ka, Osang! Tsk, tsk, tsk! ‘Yun na!

‘Wag n’yo pong kalimutang pakinggan ang aking programa sa DWBL 1242 khz, 8-9 A.M. Monday to Friday, at sa DZRH 666 khz, 2:30-3:30 P.M. every Sunday. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding