Rosanna Roces, 2 beses pakakasalan ang tibong GF; walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao

Rosanna Roces, 2 beses pakakasalan ang tibong GF; walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao

Rosanna Roces with GF Blessy
Rosanna Roces with GF Blessy

Happy si Rosanna Roces sa mga kaganapan sa kanyang buhay.

Una na’y sunud-sunod ang mga pelikula niya na ipalalabas come April tulad ng pelikulang pagsasamahan nila ni Nora Aunor na “Whistleblower”, bukod pa ang isang indie film din na “Guro” sa direksyon ni Buboy Tan.

Bukod sa kanyang career, happy si Osang dahil dream come true na rin para sa kanya na mapangasawa ang kanyang lesbian girlfriend for almost 15 years na si Blessy sa darating na August sa Canada, sponsored ng Pinoy TV, na sa Niagara gagawin.

“Sa December 10 naman dito sa Manila, para kasama lahat ng mga kaibigan at pamilya namin,” paglalahad ng aktres ng impormasyon sa amin sa pamamagitan ng PM niya sa Facebook. Sa Manila wedding nila, ikakasal sila ng isang Aglipayan Church minister.

High school pa lang daw siya sa St. Bridget’s School sa may bandang Roosevelt sa Quezon City nang magkakilala sila ni Blessy. Kaibigan ni Osang ang kapatid ng kanyang girlfriend (actually asawa na dahil matagal na sila nagsasama), na sa simula pa lang daw ay babae na ang gusto ng aktres.

Si Blessy, “byanang-byana” na short hair at men na men ang itsura. Pagkukuwento nga ni Osang, “Babae ang gusto ko… ‘di ko ‘yan papatulan kahit na ‘yan na ang huling tao sa mundo.

“Mayabang ako nun… eh mayabang din siya, galing U.P. eh. Ini-stalk ako. That time me BF ako, ‘yong unang-una. Ayun naging magbarkada kami at naging kami. Iniwan ko agad ‘yung unang boyfriend ko.

“Tapos nagsasama kami sa bahay namin… magkaibigan kasi mga tatay namin… isang lawyer at isang veterinarian,” kuwento ng aktres.

“Nag-asawa ako, ang naramdaman ko, naging bisexual ako na ‘di ko maintindihan… babae ang hinahanap ko. Hindi dahil sa sex… babae ang gusto kong kasama sa buhay, kaya ang mga nagugustuhan ko malalamyang lalaki,” salaysay niya sa FB chat namin kagabi.

Sa ngayon nagsasama sa iisang bubong sina Osang at Blessy. At sa katunayan, nagpapagawa na nga sila ng bahay.

Sa relasyon nila ni Blessy, si Osang ang girl at si Blessy naman ang tumatayong “padre de pamilya”.

The other night, nakipag-meeting na ang future “husband and wife” sa kanilang wedding coordinator.

“Ang tagal nang sini-set ang meeting namin with our wedding coordinator, hindi mag-swak sa schedule namin ni Blessy. Naumpisahan na rin sa wakas ang magiging plano sa kasal,” pagbibida ni Osang sa amin.

Handa ba ang aktres sa magiging reaksyon ng publiko sa papapakasal niya sa isang lesbian? “Kelan ba ako nagkaroon ng pakialam sa sasabihin ng tao? Nag-asawa nga ako ng bakla dati, ‘di ba?”

Si Blessy na love ni Osang ay isang kontratista ng Avon at leather goods at may mga lupa siya sa Mindoro at paupahan. Ngayon, siya ang tumatayong road manager ko,” dagdag pa ng aktres.

‘Yun na!

Reyted K
By RK VillaCorta