Rosalinda, nakakatamad panoorin

ADVERTISING

Rosalinda, nakakatamad panoorin

NAPANOOD NAMIN NANG slight ang one-week marathon viewing ng Rosalinda nu’ng Linggo nang gabi. Inaabangan kasi namin ang special tribute ng ABS-CBN kay Michael Jackson, eh.

ADVERTISING

Pero sa totoo lang, palipat-lipat lang din kami. Hindi kami mapirmi sa Rosalinda, dahil nababagalan kami sa pacing kahit pa marathon viewing ang tawag du’n.

In fairnesss, ang ganda ni Carla Abellana. Ang guwapo-guwapo rin ni Geoff Eigenmann, kaya bagay sila. Kaso, nakaiinip ang mga eksena. Dragging.

Natanggap na namin na nanay na nga si Jennifer Sevilla ni Rosalinda at si Sheryl Cruz naman kay Geoff. Kung makuwenta ka sa edad, mga 12-13 ba nagbuntis si Sheryl at Jennifer? ‘Kalokah. Pero natanggap na namin ‘yon.

ADVERTISING

Wow, si Kuya Dick, sa wakas, meron na ring teleserye. Tama lang na ibalik ang pagiging “bading” ni Kuya Dick, dahil du’n siya click, pero ewan, parang feeling namin, nanganganay ang akting ni Kuya Dick.

Siguro nga, namamahay pa sa Channel 7 ang akting ni Kuya Dick. Pero eventually, magagamay rin ‘yan ni Kuya Dick. Si Kuya Dick pa ba, ‘di ba?

WALA KAMI NU’NG Biyernes. (As if naman, na-miss n’yo kami, ‘no? Hehehe!) Kaya siyempre, bawi kami ngayon.

And speaking of bawi, kelan naman kaya makababawi itong si Bel Galindez ng Lucida-DS sa kanyang pinagkakautangan?  Almost one million pesos ang kanyang utang sa HD Stop-Overs. Sila ‘yung may-ari ng mga sites na pinaglagyan niya ng mga billboard noon ng kanyang produkto.

Pinadalhan na ng demand letter, bumalik lang sa nagpadala, dahil sarado na raw ang opisina nito sa Delta. So sa’n na ngayon ang kanyang opisina? Hindi naman siguro nagtatago si Bel sa mga pinagkakautangan niya.

Ngayong me mga press release siya na nakabawi na ang Lucida at number one na naman sila sa botika, aba, eh, saka lang kami maniniwalang totoo ‘yun kung nakabayad na siya sa pinagtataguan niyang mga pinagkakautangan niya.

Nag-uumpisa na naman siyang mag-sponsor ng kung anu-anong event, maanong bayaran niya muna ‘yung utang niya, ‘no!  Kumuha na naman siya ng bagong endorser, paano maniniwala ang mga tao na totoo ang claim niyang nagpapaputi ang kanyang produkto kung “negative” ang tingin sa kanya ng mga negosyanteng pinagkakautangan niya.

Kaya sana, i-settle mo na, Ms. Galindez, ang mga utang mo, dahil baka mapunta na naman sa wala ang pinagpaguran mo.

Ayaw ng “itlog” ng ganyan.

Read Ogie Diaz’ Blind Item: Beauty expert, ‘di na visible sa TV dahil naagnas ang mukha?!

‘Wag n’yong kalilimutang pakinggan palagi ang “wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING