Ronwaldo Martin, hangga’t maaari, ayaw maikumpara sa kanyang Kuya Coco

ADVERTISING

Ronwaldo Martin, hangga’t maaari, ayaw maikumpara sa kanyang Kuya Coco

Ronwaldo Martin
Ronwaldo Martin

As much as possible, ayaw ni Ronwaldo Martin na ikinukumpara siya sa kapatid na si Coco Martin.

“Nahihiya po ako nang sobra, eh. Hindi po ako makalakad nang maayos (kapag ikinukumpara). Nahihiya po ako, eh. Hangga’t maaari, ayoko po talaga na ikinukumpara ako kay Kuya, nakakahiya sa kanya,” paulit-ulit niyang reaksyon.

Si Ron ay isa sa mga bida sa Cinemalaya movie na “Pamilya Ordinardyo” at bilang suporta, dumalo si Coco sa gala premiere ng pelikula sa CCP Main Theater kamakailan.

Ayon kay Ron, enjoy naman siya sa paggawa ng indie film na pinagsimulan din noon ni Coco. Type din ba niyang magpaseksi sa mga indie films tulad ng kanyang kapatid?

ADVERTISING

“Hindi po, eh, magkaiba po kami,” sagot agad niya. “Ayaw po ni Kuya nang ganu’n, eh. Ayaw po, eh, sinabi niya sa akin,” hirit pa ng actor.

Eh, bakit ayaw ng Kuya Coco Martin niya?

“Ayaw po niyang pagdaanan ko ‘yung ginawa niya dati,” sagot ni Ron.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING