Ronnie Alonte, parang bata kung matakot sa multo

ADVERTISING

Ronnie Alonte, parang bata kung matakot sa multo

The boys of “Seklusyon” - John Vic de Guzman, Ronnie Alonte, Dominic Roque, and JR Versales
The boys of “Seklusyon” – John Vic de Guzman, Ronnie Alonte, Dominic Roque, and JR Versales

Bongga ang cast ng pelikulang “Seklusyon” ni Direk Erik Mati para sa kanilang Reality Entertainment ni Dondon Monteverde.
Wala man malalaking artista tulad sa previous movies niya tulad nina John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, at Piolo Pascual, naniniwala si Direk na sa panahon ng millennials, susuportahan ng publiko ang pelikula niya dahil sa kuwento.
All boys ang mga bida. Apat silang nagguguwapuhang hunks na pinapangunahan ni Ronnie Alonte (member ng #Hashtag), kasama sina Dominic Roque (one of showbiz sexy hunks), JR Versales (na isang modelo from Masbate na na-discover sa pagmo-model sa Cebu), at si John Vic de Guzman (na isang varsity volleyball player ng College of St. Benilde Blazers.
Kuwento tungkol sa apat na deacons na sa ang huling stage ng kanilang pagpa-pari ay kung anu-anong kababalaghan at temtasyon ang hinarap nila.
Sa poster ng pelikula, horror ang dating ng pelikula ng isang bata na parang Sto. Niño na lumuluha ng dugo na agaw-pansin kaagad sa makakikita.
Sa darating na 2016 MMFF, walang “Shake, Rattle, and Roll” entry ang Regal Films na palaging lumalaban sa box-office. With “Seklusyon” na nag-iisang horror movie sa MMFF, ito marahil ang papalit at kukuha ng viewing market ng “SRR”.
Sa katunayan, si Ronnie, noong sinu-shooting nila ang pelikula ay nakaramdam ng takot.

“Takot po kasi ako sa mga multo. Sabi ng mga crew at production staff sa location namin, parang may nararamdaman sila,” sabi ni Ronnie.
Si Dominic naman, daring sa karakter na ginagampanan niya. Daring in a way ang sexy hunk, kung saan nagpakita ito ng kanyang puwet sa pelikula for the first time, na sabi ng mga production staffs ng Reality Entertainment na nakapanood na ng kabuuan ng movie ay super “tambok” diumano ang buttocks ng binata.
Si JR naman, excited na makasakay sa float lalo pa’t first movie niya ito. Ang athlete naman na si John Vic, excited din sa movie lalo pa’t may market siya na supporters niya sa volleyball, at tatawid siya sa bagong mundo bilang isang artista.
As of Friday lunchtime, naka-schedule dumalo sa Macau International Film Festival ang apat na mga bida sa pelikula.
Ang sipag ng apat na bida sa “Seklusyon”. Yesterday, nag-mall tour sila sa isang kilalang mall sa bandang south. This Sunday, raratsada din sila sa Cebu to promote their film.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING