Ronnie Alonte, nagpasalamat sa billing sa Bloody Crayons

ADVERTISING

Ronnie Alonte, nagpasalamat sa billing sa Bloody Crayons

Ronnie Alonte, nagpasalamat sa billing sa Bloody Crayons
Ronnie Alonte

SA POSTER ng pelikulang Bloody Crayons under Star Cinema ay kapansin-pansin na nasa taas ang  pangalan nina Janella Salvador, Elmo Magalona na kahilera ng pangalan ng iba pang cast na sina Sofia Andres at  Diego Loyzaga pero  tanging ang pangalan lang ni Ronnie Alonte ang solong nasa ilalim na meron pang  “and.”

“Ay, hindi ko po alam yan, puwede pong humingi ng tulong (sa pagsagot),” nagtatakang reaksyon ni Ronnie.

Nagpaliwanag din si Mico del Rosario (AdProm head ng Star Cinema at Star Creatives) kung bakit ganu’n ang billing ni Ronnie.

Aniya, “Management decision po yan. Yung pinaka-senior po in terms of filmography came in “first” and “last”, so  it’s Janella and Ronnie.

ADVERTISING

“Sinasabi ko nga sa mga bata kanina, it’s not about billing, it’s how you do your work.”

Ayon naman kay Ronnie, nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng Star Cinema.

“Sobrang saya ko po kasi na pinagkatiwalaan nila ako at nilagay nila ako sa “and” na yon after ng  pangit na kinalabasan sa Vince & Kath & James, kasi ang daming namba-bash sa acting ko do’n, pero nagtiwala pa rin po sila sa akin dito sa Bloody Crayons.

“Aminado naman po ako sa lahat. Tatanggapin ko kung anong sasabihin sa akin ng tao, basta ako, ginagawa ko lang yung trabaho ko bilang artista and nakakapagpasaya ako ng mga tao,” paliwanag ng guwapong aktor.

Showing na ang Bloody Crayons sa July 12 under the direction of Topel Lee.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING