Ronnie Alonte, ‘di makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang career

ADVERTISING

Ronnie Alonte, ‘di makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang career

Ronnie Alonte, ‘di makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang career
Ronnie Alonte

Kasama sa top 3 box-office hit ng 2016 Metro Manila Film Festival ang pelikula ni Ronnie Alonte na “Seklusyon” from Reality Entertainment kaya ganu’n na lang kalaki ang pasasalamat niya kay Direk Erik Matti na pinagtiwalaan siya na maging isa sa mga bida sa pelikula.

Kasama rin ni Ronnie sa “Seklusyon” sina JR Versales, John Vic de Guzman, Dominic Roque, at Rhed Bustamante.

“Sobrang gulat na gulat po ako. Kasi sabi ko nga po, unexpected lahat ng nangyayari po ngayon,” reaksyon niya.

Dagdag ni Ronnie, “Kasi nu’ng pumasok po ako sa showbiz, ang sabi ko sa sarili ko, kung anuman ‘yung mangyari sa akin, makilala man o hindi, same pa rin, basta may trabaho po ako.”

ADVERTISING

Hindi rin daw siya makapaniwala na pinagtiwalaan siya ni Direk Erik bilang isa sa diyakono sa “Seklusyon”.

“Sobra po ang pasasalamat ko. Kasi siyempre, unang-una po, pinagkatiwalaan din ako ni Direk Erik na ako ‘yung mag-lead dito sa “Seklusyon”. Talagang sabi ko nga po sa kanya nu’ng una na kinuha niya ako, sabi ko ‘parang hindi ko po yata kaya.’

“Pero sabi niya, kaya ko raw dahil malaki ang tiwala niya sa akin, kaya sobrang passasalamat ko sa kanya at siyempre sa Itaas din po lalo,” kuwento pa ni Ronnie.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING