Ronnie Alonte at Loisa Andalio, magpapakilig sa ‘Unloving U’ ng IWantTFC

MISS NIYO na ba ang real-life Kapamilya couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio? Matagal na rin natin silang hindi napapanood sa isang regular TV show (huling proyekto nila ang pelikulang James & Pat & Dave kasama si Donnie Pangilinan). Sa kanilang YouTube channel na LoiNie TV na lang natin sila napapanood. For sure, uhaw na uhaw na ang kanilang fans sa kanila, huh!

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, magpapakilig sa ‘Unloving U’ ng IWantTFC
Loisa Andalio and Ronnie Alonte

The good news is sina Ronnie at Loisa ang bida sa bagong digital series na ‘Unloving U’ na mapapanood na sa IWantTFC worldwide starting this February 8. Directed by Easy Ferrer, the series also features real-life married couple Ariel Rivera and Gelli de Belen na gaganap bilang parents nila.

Teka.. parents nila?! Magkapatid sila?!

Well, technically ay hindi. Pero dahil ikinasal na ang kanilang mommy and daddy sa isa’t isa, sa mata ng mga ta ay ‘mali’ na sila’y magkaroon ng relasyon. Pwedeng-pwede, pero hindi pwede. Alam mo ‘yun?

Ano ang gagawin nina ng dalawa sa sitwasyong ito? Ang isa’t isa ang sinisigaw ng kani-kanilang puso, pero parang hinahadlang sila ng kanilang mga pamilya. Paano na?

Siguradong bubuhos ang tawa, luha at kilig sa inaabangang reunion project ng mag-beh. Sa ngayon ay mukhang sa digital content na naka-focus ang ABS-CBN lalo pa’t hanggang ngayon ay wala pa rin silang prangkisa.

Panoorin ang trailer ng Unloving U:

Mapapanood na ang Unloving U simula ngayong February 8 sa IWantTFC. Kung hindi ka na makapaghintay, baka bet mo rin panoorin ang ‘Past, Present, Perfect?’, ang coming-of-age series na pinagbidhan nina Loisa Andalio at Shaina Magdayao noong 2019.