Ronnie Alonte at Loisa Andalio balik-tambalan sa ‘Love in 40 Days’

MARAMI NA ang nakakamiss sa real-life young couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Known as LoiNie sa kanilang loyal supporters, sa kanilang vlog na lang nakakaranas ng ka-sweetan ng dalawa ang kanilang mga tagahanga.

Ronnie Alonte at Loisa Andalio balik-tambalan sa 'Love in 40 Days'
Loisa Andalio and Ronnie Alonte

No need to fret dahil may good news kami! Magbabalik-tambalan na sa telebisyon ang LoiNie via the upcoming show ‘Love in 40 Days‘. Maliban sa lovebirds, makakasama rin nila sa upcoming project ang veteran actors na sina Mylene Dizon, Janice de Belen, Lotlot de Leon, at Leo Martinez.

Noong Setyembre pa inanunsyo ng Dreamscape Entertainment Inc. ang LoiNie project na ito, pero ngayong Martes lang natuloy ang kanilang script reading. Pasok din sa cast sina Isay Alvarez, Jojit Lorenzo, William Lorenzo, Chie Filomeno, Katrina Legaspi, Renshi de Guzman, Vaughn Piczon, Zabel Maberth, at Raven Molina.

Sa ngayon ay limitado lang ang detalye na inilabas ng ABS-CBN para sa exciting project na ito. Will it be a romance-drama? Abangan!