Rommel Padilla, may mahalagang role sa showbiz career ni Daniel Padilla

ADVERTISING

Rommel Padilla, may mahalagang role sa showbiz career ni Daniel Padilla

Daniel-Padilla-Rommel-PadillaMAHALAGANG PAPEL pala ang ginagampanan ni Rommel Padilla sa showbiz career ng kanyang anak na si Daniel Padilla. Palaging updated ito sa mga latest issue na nangyayari sa young actor. Kapag hindi rin lang busy si Rommel, nakatutok siya sa social media. Inaalam nito kung may positive or negative na naisusulat about Daniel. As a father, concern lang si Papa Rommel sa career ng anak kaya niya inaalalayan si Daniel. Gusto nitong magtuluy-tuloy ang kasikatan ng morenong actor.

ADVERTISING

Wala kaming nakikitang masama sa ginagawa ni Papa Rommel kung pati mga write-up ni Daniel sa broadsheet, tabloid, at magazine binibili niya for clippings for his personal file. Proud father kasi siya sa kinalalagyan ngayon ni Daniel na nagtiyaga at nagsikap para marating ang kinalalagyan niya sa ngayon.

As personal consultant ni Daniel, walang panahon si Rommel na patulan ang mga negative issue laban sa kanyang anak. Natural lang daw ‘yun sa isang artistang sumisikat kaya binabato ng intriga. Kilala ni Rommel ang anak, kaya alam niya kung totoo o hindi ang negative issue na nasusulat sa Prince of Soap.

Okay naman si Karla Estrada sa ginagawa ni Rommel para sa kanilang anak na si Daniel. Maigi nga raw ‘yun, nababantayan, natututukan, at nabibigyan ng advice ang anak nila. Iba raw kasi ‘pag may amang nakaalalay sa kapakanan ng kanilang mga anak. Oo naman…

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING