Romantic Beach Wedding: Billy Crawford and Coleen Garcia, tuloy ang kasalan!

ADVERTISING

Romantic Beach Wedding: Billy Crawford and Coleen Garcia, tuloy ang kasalan!

Romantic Beach Wedding: Billy Crawford and Coleen Garcia, tuloy ang kasalan!
Coleen Garcia and Billy Crawford

BONGGA ang magkatipan na sina Billy Crawford at Coleen Garcia dahil tuloy na tuloy na at walang atrasan ang bonggang kasalan ng dalawa sa isang exclusive island resort (sa Balesin island kaya?) na hindi pinangalanan ng source namin.

 
In 2018 magaganap ang kasalan sa tag-araw kung saan nakapili na rin sina Coleen at Billy ng kani-kanilang mga maid of honor at bridesmaids at ang binata naman ay may napili na rin na best man at groomsmen. May listahan na rin sila ng mga ninong at ninang.
 
Sa katunayan, limitado lang ang mga bisita na iimbitahan ng dalawa.
 
Around 200 to 250 lang ang mga guests na nasa listahan ng mga ikakasal ayon sa impormasyon sa amin ng isang insider.
 
Sa isang interview, ang guests list diumano ang pinakamahirap i-edit ayon kay Coleen.
 
“Hanggang ngayon, parang adding and removing pa rin kami kasi siyempre, it’s a beach wedding, so we have to keep it intimate also. But we’re planning also to have a possibility of holding a Manila reception, so that we can entertain everybody and those who cannot be able to go to the beach,” pahayag ni Coleen sa panayam.
 
As of this writing, hectic ang schedule nina Billy at Coleen lalo pa’t hands-on ang dalawa sa preparation ng kanilang kasal next year sa kabila ng may mga tao na naga-assist sa kanila para tumulong sa preparation ng bonggang kasalan ng dalawa na long-overdue na talaga.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING