Rodjun Cruz & Lovi Poe: Give It a Chance & Make It REAL!

ADVERTISING

Lovi-Poe-Rodjun-CruzRODJUN CRUZ
Real Name: Raymond Oliver Cruz Ilustre
Birthdate: October 10, 1987
Zodiac Sign: Libra

LOVI POE
Real Name: Lourdes Virginia Moran Poe
Birthdate: February 11, 1989
Zodiac Sign: Aquarius

ADVERTISING

ISANG NAKALOLOKANG twist ang naganap recently sa top-rating telenovela na Ang Dalawang Mrs. Real. Tapos na ang sampalan at bukingan scenes, ay nasa proseso na ng pagmu-move on ang dalawang babae sa buhay ni Anthony Real.

Habang ang characters nina Dingdong Dantes at Maricel Soriano ay wino-work ang kanilang marriage, si Lovi Poe bilang Shiela naman ay nagpupursige na buhayin ang anak na si Bubot on her own. No man is an island, kaya nariyan si Allan Real (Rodjun Cruz) to help. Epitome ng lalaking may paninindigan ang karakter nito, pero nakakaloka rin ang mga titig nito kay Shiela. Nade-develop na ba ito? Ang mga netizens ay mega express ng kanilang kilig-ness sa Twitter, huh!

In real-life ay parehong committed na sina Rodjun at Lovi. Si Rodjun ay matagal nang girlfriend si Diane Medina ng ABS-CBN, habang si Lovi naman ay kay Rocco Nacino, na incidentally ay ka-loveteam ni Rodjun sa isang gay-themed film! Kalurkey!

ADVERTISING

Undeniably, Rodjun and Lovi has some chemistry, huh? Paano kaya kapag sa totoong buhay na?

Kilala bilang mga sociable individuals ang Libra at Aquarius. Gustung-gusto nilang dumalo sa mga pagsasalo at bihira silang makitang nagso-solo. Pareho rin silang game pagdating sa matatalinhagang pag-uusap dahil natural sa kanila ang pagiging matalino at outspoken. Ini-enjoy nila ang kanilang freedom at gusto nilang palaging masaya at chill lang ang mga nasa paligid nila. Ang pagkakaiba lang ng dalawa ay mas importante sa Libra ang personal love, samantalang pang-universal naman ang sa Aquarius.

Sa totoo lang, hindi mahirap magka-debelopan ang Libra at Aquarius. Kaya nilang mag-adjust sa mga sitwasyon kung kinakailangan. Mamahalin lalo ng Libra ang Aquarius dahil sa kanyang creativity at initiative, samantalang ikakahulog naman ng loob ng Aquarius ang sense of humor at balance of nature ng Libra. Magkakaroon lamang sila ng problema kung humingi na ng long-term commitment ang Libra, pero hindi naman talaga ito ganu’n kabigat kung tutuusin.

Kahit pa kailangang um-effort nang bonggang-bongga ng Libra para mapapayag mag-commit sa kanya ang Aquarius, hindi ito magkakaroon ng major headache. Maaaliw siya sa pagiging adventurous ng babeng Aquarius sa samu’t saring larangan, samantalang lalong ikapa-proud ng Aquarius na girlfriend niya ang napaka-sensible at balanseng Libran. In short, they bring out the best in each other!

AHA! Kung sakali pala ay there’s a chance for this developing REEL loveteam na maging REAL! Kampay!

Pares-Pares

By Madam DaminRodjun Cruz & Lovi Poe: Give It  a Chance & Make It REAL!

ADVERTISING