Rocky Salumbides, walang balak pakasalan si Eula Valdez

ADVERTISING

Rocky Salumbides, walang balak pakasalan si Eula Valdez

Rocky-Salumbides -Eula-ValdezGOING STRONG pa rin hanggang ngayon ang relasyon ng aktres na si Eula Valdez at ng kasintahang model-turned-actor na si Rocky Salumbides. Sa kuwento ni Rocky, they are now on their 8th year.

ADVERTISING

May balak na ba siyang pakasalan si Eula pagkatapos ma-annuled ng aktres sa ex-husband niya?

“Wala pa, eh,” sagot agad ni Rocky sabay dugtong ng, “Uso pa ba ‘yon? Uso pa ba ‘yon ngayon?”

“Hindi pa sila annulled matagal na kami, so bakit ko papasukin ‘yung kasal? Pero sa side na nila ‘yon, bakit ko pakikialaman ‘yon,” hirit pa niya.

ADVERTISING

Eh, what if ma-annulled na nga, ano ang magiging plano niya?

“Sa ngayon kasi, stable ‘yung mga bata. Kung magpapakasal kami, babaguhin na naman ang apelyido ng mga bata, kaya ‘wag na, ‘di ba?

“Kumbaga, kung ano na ‘yung nandiyan, ‘yan na ‘yon. Wala na akong pride sa relasyon. Ano ba naman ‘yung apelyido at saka papel? Madaling tanggapin ‘yan at sunugin, pahirap lang ‘yan sa mga nagkakarelasyon, ‘di ba?” katwiran pa ni Rocky.

“Papel lang ‘yon, tapos ‘pag nagkahiwalay kayo, anong mangyayari? Agawan ng gamit dito, papel na naman, ‘di ba? Mas mahalaga ‘yung pagmamahal ninyo sa isa’t isa kesa sa papel,” sabi pa niya.

Samantala, magkasama sina Rocky at Eula sa morning series na Princess in the Palace na napapanood sa GMA-7 bago ang Eat Bulaga.

 

PUSPUSAN NGAYON ang paghahanda ng ABS-CBN para sa 6th anniversary ng It’s Showtime na gagawin sa Sabado sa Araneta Coliseum. Panay ang rehearse nina Vice Ganda at ng iba pang kasama niyang hosts ng afternoon variety show.

Ayon sa TV host, may mga pasabog daw silang production number sa programa at ini-level-up daw nila ito para mas magustuhan ng kanilang audience. Teka, maglalambitin kaya ulit sa ere si Vice na katulad ng ginawa niya noon sa kanyang concert?

Ang isa pa raw pasabog sa Showtime anniversary ay ang pagsasama-sama ng mga pinakasikat na loveteams ng ABS-CBN. The latest we heard, guests sa Showtime this Saturday ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre), LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), at KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla).

Kung hindi kami nagkakamali, first time ‘atang magsasama-sama sa iisang TV show ang 3 malalaking loveteam. Tiyak na susugurin sila ng fans sa Araneta Coliseum, huh! Goodluck sa nagwi-wish manood at kumuha ng tikets.

Anyway, hindi kami sure kung meron ulit contest ang mga It’s Showtime hosts sa Sabado. Dati kasi, nagpapagalingan sila sa production number, tapos may isang mananalo. We’ll see kung meron ulit sila this year.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING