Rochelle Pangilinan, napabilib kay Nora Aunor

ADVERTISING

Rochelle Pangilinan, napabilib kay Nora Aunor

Rochelle Pangilinan, napabilib kay Nora Aunor
Rochelle Pangilinan and Nora Aunor

GOOD VIBES ang umaga ni Rochelle Pangilinan.

Sa kanyang Instagram Account ay nai-share niya ang kanyang magandang experience tungkol sa aktres na si Nora Aunor na kasama niya sa drama seryeng Onanay sa GMA Kapuso Network.

Nagulat si Rochelle sa ipinamalas ni Nora sa kanya.

Pagkakasulat niya: “Hindi ka ba naman matutuwa sa pagood morning! Share ko lang ang mga kaganapan. Simula ng nakilala ko sa show ng Onanay si Ms. Nora Aunor, napahanga na ko sa ugaling pinapakita nya sa kin, sa fans nya, sa lahat ng tao sa set ng Onanay.

ADVERTISING

“Yung lagi ko syang makaeksena ay sapat ng regalo sa kin ngayong Pasko, pero ginulat nya ko sa pa-surprise niyang gifts sa kin, biniro ko pa syang “Binigyan mo naman ako ng surprise baby shower”; sabay tawa namin, pero nung pauwi na ko ng bahay, ang naisip ko lang ay yung naisip nya kong pagkaabalahan o pagisipan pa.

“Pwede namang simple na Christmas gifts lang like pagkain o gamit ng babae etc. Pero naisip nya kami ng baby ko… pinagisipan niya talaga! Yung pagkaabalahan ka ng nagi-isang Superstar simula ng bata pa ko at binigyan ako ng halaga.

Rochelle Pangilinan, napabilib kay Nora Aunor
Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap

“Ang saya saya talaga! kaya maraming nagmamahal sa kanya eh na hanggang ngayon ay nandyan pa din. Hindi ako magsasawang ikwento hanggang apo ko ang kabutihan nyang ginawa sa lahat ng tao na nasaksihan ko sa maikling panahon na nakasama at nakatrabaho ko sya.Sa akin,maraming dahilan kung bakit nakilala mo ang isang tao,hindi aksidente lang,sa dami ng naikwento nya sa kin sa buhay na pinagdaanan nya,marami akong natutunan. I am Blessed,” pages-share ni Rochelle about Nora.

Sa ilan na hindi nakakaalam, si Nora ay generous. Sa mga nakakatrabaho niya sa set ng kanyang teleserye, lalo na ang maliliit like mga crew, setman, etc., palagi may pakimkim siya after makuha niya ang kanyang talent fee na kaliwaan ibinibigay sa kanya sa deal nila ng GMA Kapuso Network na “pay after shoot”.

Palagi, bago umuwi ay may “for the boys” ang after pang-merienda ng mga ito.

Sabi ng using informant, nagiiwan ng P5,000 si Nora para sa crew. Maging sa grupo ng mga extra, may pakimkim siya kahit pandagdag pamasehe lang ng mga ito sa ginastos nila papuntang location taping.

Nice gesture ito and hoping ay tuloy-tuloy na ito para sa aktres.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING