Rochelle Pangilinan, naging biktima ng rape?

ADVERTISING

Rochelle Pangilinan, naging biktima ng rape?

Rochelle-PangilinanKAHIT NA anong paliwanag raw na gawin kay Rochelle Pangilinan na gumawa ng isang indie film na biktima ng rape ay talagang hinding-hindi raw magagawang tanggapin ng former lead ng sikat na Sex Bomb Dancers.

Katuwiran ni Rochelle, takot daw ang unang nadadama niya. Baka raw kung anong mangyari at kalabasan ng eksena.

“May offer sa akin na isang indie film na may rape scene. Ayoko talaga ng rape scene. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya…”

Tanong tuloy sa kanya, kung anong ayaw niya sa rape scene, kahit alam niyang akting lang naman ‘yung gagawin nila?

ADVERTISING

“Hindi ko alam, natatakot ako… baka mamaya… hindi ko alam, baka ano’ng kalabasan. Nakakatakot. Saka naiilang akong panoorin na habang kasama ko ang pamilya ko. Nakakailang.”

Hanggang kiss lang daw ang nagawa niya at ‘yung mga grabeng eksena ay daya-daya lang daw.

Dahil takot na takot gumawa ng rape scene sa pelikula si Rochelle, hindi kaya naging biktima siya ng rape noong kabataan niya?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING