Rochelle Pangilinan, matiyagang hinintay ang marriage proposal ni Arthur Solinap

Rochelle Pangilinan, matiyagang hinintay ang marriage proposal ni Arthur Solinap

Rochelle Pangilinan, matiyagang hinintay ang marriage proposal ni Arthur Solinap
Courtesy Of Nice Print Photography
Rochelle Pangilinan, matiyagang hinintay ang marriage proposal ni Arthur Solinap
Courtesy Of Nice Print Photography

Ang tagal din palang hinintay ni Rochelle Pangilinan ang marriage proposal ng long-time boyfriend na si Arthur Solinap last Saturday evening sa isang resort sa Cavite.

Sa halos six-years and six months nilang pagmamahal, hinihintay ni Rochelle ang proposal ng BF.

Sa huli naming panayam kay Rochelle Pangilinan sa press preview ng pelikulang “Tandem” where she plays the character of “Cha”, ang girlfriend ni Nico Antonio na kapatid naman ni JM de Guzman, naitanong na naman namin sa kanya ang tungkol sa pagpo-propose ni Arthur Solinap sa kanya habang ang mga showbiz relationships na mas bago kaysa sa kanila ni Arthur, isa-isa nang nagpo-propose ang mga boyfriends nila kung hindi man ay mga ikinasal na. Si Rochelle, magtitiyaga at maghihintay kung kailan darating ang mahalagang araw na ‘yun.

Ang siste ng proposal ng binata kay Rochelle, kunwari pupunta sila sa Tagaytay para sa post-birthday celebration ni Arthur at sa post-Valentine’s date ng dalawa.

Pagdating ng dalawa, napaiyak si Rochelle dahil hindi niya ini-expect na naroroon din pala ang kani-kanilang mga magulang, mga kamag-anak, at mga close friends.

Saksi sa proposal ni Arthur kay Rochelle ang mga dating kasamahan nito sa Sex Bomb noong nagsisimula palang siya as a dancer; si Michael V. kasama ang misis niyang si Carol (magkasama sa sitcom na Pepito Manaloto sa GMA sina Arthur at Michael V.); Jolina Magdangal at ang mister na si Mark Escueta at ang bagets nilang si Pele; Angelika and Mica dela Cruz; Gabby Eigenmann at ang misis na si Apples; at si Dingdong Dantes na pinsan ng future groom.

Reyted K
By RK VillaCorta