Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap,’di pa napag-uusapan kung kailan ang kasal

ADVERTISING

Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap,'di pa napag-uusapan kung kailan ang kasal

Rochelle Pangilinan & Arthur Solinap
Rochelle Pangilinan & Arthur Solinap

Hindi pa nagbigay ng eksaktong date at detalye si Rochelle Pangilinan sa planong pag-iisang dibdib nila ng Kapuso actor na si Arthur Solinap.
Tsika nga ni Rochelle Pangilinan, “‘Di pa namin napag-uusapan sa ngayon ang eksaktong petsa, pero definitely not
this year ang wedding namin. Malalaman at malalaman naman ninyo if sure na sure na kami kung kailan, saan, at iba pang detalye rito.”
Dagdag pa ng 34-an­yos na si Rochelle, “Mag-iipon muna kami ni Arthur Solinap para next year.”
Pagbibiro pa nito, “Pagkatapos ng kasalan ay baby na agad. Hahaha!”
Maaalaang noong Pebrero 20, nag-propose si Art kay Rochelle after ng mahi­git pitong taon nilang relasyon.
Sa ngayon, parehong abala sina Rochelle at Arthur sa kani-kaniyang regular show sa Kapuso Network. Regular na napanonood si Rochelle sa “Encantadia” bilang si Agane na kanang-kamay ng pangunahing kontrabida na si Hagorn (John Arcilla). Lalo na’t dream nito ang mag-aksyon-aksyon kaya nagpapasalamat siyang napasama siya sa Kapuso telefantasya.
Puring-puri ni Rochelle ang produksyon nito, na ayon sa kanya ay ibang klase at nakapa-proud. Sa lahat ng shows na nasamahan niya ay iba ito.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING