Rochelle at Arthur, sa August na ang kasal

ADVERTISING

Rochelle at Arthur, sa August na ang kasal

Sa darating na August ngayong taon ang planong pagpapakasal nina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan. Ito rin daw kasi ang kanilang anniversary month.

Rochelle at Arthur, sa August na ang kasal
Arthur Solinap and Rochelle Pangilinan

Ayon pa kay Arthur, nakipag-meeting na sila sa kanilang wedding organizer nitong January pagkatapos magdiwang ng kanyang kaarawan.

Kuwento ni Arthur, “First meeting pa lang naman, pero wala pang final. Kakausapin pa lang namin ang organizer, masaya.”

May naisip na raw ang kasintahan na gagawing motif ng kasal.

ADVERTISING

“‘Yung dream wedding niya, kung ano ang gusto niya, ‘yun ang masusunod. Doon pa rin kami sa Tagaytay, ‘yun pa rin kasi ang pinaka-memorable sa kanya,” sey pa ng Kapuso talent. 

May kinalaman sa namayapang ama ni Rochelle ang lugar, kaya raw memorable sa dancer-actress ang Tagaytay.

Paliwanag ni Arthur, “‘Yung memories ng tatay niya. Bago kasi mamatay, roon sila palaging pumupunta.

Tapos, doon din kami unang nagkakilala, sa ‘Daisy Siyete’ noong 2008.”

Ilan ba ang balak nilang maging anak?

“Depende kay Rochelle, sa akin, kahit ilan,” sabay tawa ni Arthur. 

 

ADVERTISING