Rocco Nacino, walang tiwala sa workshop ng Siyete?

ADVERTISING

Rocco Nacino, walang tiwala sa workshop ng Siyete?

Rocco-NacinoMARAMI ANG nagulat nang masulat sa isang website na sa ABS-CBN nag-workshop si Rocco Nacino in preparation for his indie film Pedro Calungsod.

Many were surprised to learn about it since meron naman din yatang ibinibigay na acting workshop ang Siyete. According to the report, it took Rocco sixteen sessions of the workshop with each session lasting for six hours.

“Haha,,,kkhiya,..wlang kwenta ung workshop sa gma.”

“Ang laking insulto naman sa kaputae network yang moves ni rocco nacino.”

ADVERTISING

“Ang hard nMn yn my w0rksh0p din nMn ag GMA bt sa kapamilya pa nakikiw0rksh0p…diba effective dun?”

Those were just a few comments na nabasa namin but this one kinda explained Rocco’s move to do a workshop sa Dos instead na sa Siyete: “‘Yung ibang artista masgustong mag workshop sa ABS-CBN kasi binubusisi ng husto numg mga mentor ang isang artista kahit baguhan o matagal na silang artista ang importante sa kanina nahahasa ng husto ang acting,singing,dancing at iba pa kaya naman di maipagkakaila ang husay at galing ng mga artista ng abs- cbn.”

Rocco-Nacino

WE DON’T know if she’s aware of it pero marami pala ang hindi type si Korina Sanchez na magbalik pa sa kanyang shows sa Dos.

Nang matsismis na hindi lang one week kundi one year suspension ang ipinataw sa kanya ng News and Current Affairs department ng Dos ay marami ang tila natuwa.

“Serves her right sa pagiging atribida’t pagmamagaling niya! Magsama sila ng mister niyang maepal!”

“Basta wag na s’yang bumalik… Ayaw sa kanya ng mga katrabaho nya.”

“Even befor i dnt really likeed her. No good aura. She thot she knows everything. Keep on dreamimg girl!!”

“Tigilan na kc ang pamimigay ng tsinelas, bka yun pa ang isampal sa kanya ng buong Pilipinas isang araw.”

Ilan lamang ‘yan sa mga comments na aming nabasa.

Anyway, hindi naman totoo ang sinasabing one year suspension kay Koring. She explained na kaya siya nawala sa TV Patrol ay dahil nagte-taping siya sa mga probinsiya para sa kanyang Rated K show.

Pero balitang-balita na binabaan ng memo si Korina matapos siyang magtaray kay Anderson Cooper ng CNN.

Actually, parang nagkakalat yata ang mga newscaster ngayon.

Si Ted Failon din, napilitang mag-sorry nang magtaray sa PAGASA recently. Nagtaray kasi si Ted at sinabing hindi alam ng weather forecasters ang storm surge kaya ito namatayan ng miyembro.

“Kung saka-sakali po na hindi ho sa tamang konteksto ang pagtanggap ng iba sa mga miyembro n’yo o ibang kababayan natin sa aking naging pahayag, ako ay humihingi ng paumanhin,” sabi ni Ted sa kanyang radio program sa DZMM as reported by a website.

Nag-sorry rin siya sa pamilya ng namatay na weather forecaster at sinabing, “Naiintindihan ko na maraming tao rin ang sensitive sa mga issues ngayon at talagang kailangan ng pag-iingat sa ating mga binabanggit kaya ngayon pa lang, akin na pong nililiwanag na ang konteksto ng aking pahayag kahapon, ay no offense lalo na sa pamilya ng namatayan.”

Inumpisahan yata ni Arnold Clavio ang kontrobersiya among newscasters dahil siya ang unang inulan ng batikos sa kanyang interview sa lawyer ni Janet Napoles.

 

Laos na sexy star, kating-kati sa dating tambay sa bahay ni kuya

 

BLIND ITEM: May kakatihan pala talaga ang laos na sexy star na ito.

Nang makasama kasi niya ang isang housemate sa malaking bahay ay hindi siya mapakali. Gusto niya itong tikman kaya naman super chika siya rito nang magkasama sila sa isang out-of-town event.

Nang pagabi na ay binulungan niya ang hunky housemate at sinabing sa hotel room na lang niya ito matulog. Natakot ang boylet at kaagad na nag-text sa kanyang baklitang manager.

Ayun, hindi na lang pinuntahan ng hunk ang sexy actress sa kanyang room. Alam kasi niyang makati ito at ayaw niyang matsismis sa mga kasamahan nila sa show.

Siyempre pa, ines na ines ang sexy star dahil hindi niya nachurva ang hunky housemate.

Clue sa sexy star? Wah na. Kabibigay ko lang, ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING