Rocco Nacino, walang Lovi Poe noong Valentine’s Day

Rocco Nacino, walang Lovi Poe noong Valentine’s Day

Rocco-NacinoHINDI PALA magkasama sina Lovi Poe at Rocco Nacino during Valentine’s Day.

“I was with my friends, with my family dahil si Lovi nasa Balesin, eh. Nag-celebrate na kami ni Lovi in advance ng Valentine’s Day. We went to Baguio,” chika ni Rocco na isa sa cast ng Balut Country na isa sa limang entry sa Sinag Maynila Film Festival organized by Mr. Wilson Tieng with Brillante Mendoza as festival director.

Hindi ba siya naiinggit kina Heart at Chiz?

“We’re just happy for Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero. In-enjoy na lang naming ‘yung relasyon namin. Pero ‘yung ganyan, wala pa, batang-bata pa kami.”

Hindi pala imbitado si Rocco sa wedding nina Heart and Chiz sa Balesin.

“It was a very private affair na kasama ang mga bridesmaids, mga ninong, ninang, groomsmen. Siyempre nirespeto ko ‘yon,” he said.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas