Rocco Nacino, suportado si Lovi Poe sa away sa direktor

ADVERTISING

Rocco Nacino, suportado si Lovi Poe sa away sa direktor

Rocco-NacinoLIKE A true gentleman, cool lang si Rocco Nacino kapag sumasagot sa tanong tungkol sa girlfriend niyang si Lovi Poe kaugnay sa “away” nito kay Direk Erik Matti. Cool as he is, matalino pang sinasagot ni Rocco ang tanong sa kanya at never itong nag-no comment.

“I’m not in the position to say anything… but of course I’m supporting Lovi all the way. If she needs advice, I’m just here anytime for her. That’s the least that I could do to her. For me… sana magkausap at maayos ang lahat. Lovi should not worry dahil alam ng tao na hindi siya mukhang pera. Kapag nagkasalubong kami ni Direk Erik, o magkita kami, kakausapin ko siya. ‘Yun lang,” simulang sabi ni Rocco.

Galit ba siya kay Direk Erik dahil sa mga mapanirang binitiwang salita nito kay Lovi?

“No, I’m not naman angry… I’m upset kasi GF ko ‘yung tinatapakan. She felt sad, nabasa niya personally ‘yung sinabi ni Direk Erik, eh. Pero ‘yun nga… so many things had happened at kung saan man mapunta o anuman ang mangyari, sana magkausap sila at maayos,” sey pa ni Rocco.

ADVERTISING

Parehong sundalo ang role nila ni Dennis Trillo sa Hiram Na Alaala, kumusta naman ang exposure niya sa naturang teleserye? May nagaganap bang competition sa kanila ni Dennis?

“I dont see Dennis as a competitor, I see him as a friend, kasamahan sa hanap-buhay. Pareho kaming soldiers and both of us did a lot of military training na mapapanood sa serye. Nahirapan kami ni Dennis pero nag-enjoy kami doing those training.

Mahirap pala ang maging sundalo kaya pagkatapos nito, mas tumaas pa ang tingin ko sa lahat ng men in uniform. Saludo ako sa kanila,” sey pa ni Rocco.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING