Rocco Nacino, sobrang inspired kay Lovi Poe

ADVERTISING

Rocco Nacino, sobrang inspired kay Lovi Poe

Rocco-Nacino-Lovi-PoeSOBRANG  FOCUSED ngayon si Rocco Nacino sa shooting ng Cinemalaya entry na Hustisya na idinidirehe ni Joel Lamangan. First time kasi niyang makatrabaho rito si Nora Aunor.

Marami na raw nakunang eksena na magkasama sila. And it was really great daw na makatrabaho ang Superstar.

“Kakaiba ‘yong experience,” aniya nga. “Nakatutuwa na inaalalayan niya ako the whole time. Naging kaibigan ko siya. Ang tawag niya sa akin… anak na!” natawang sabi pa ni Rocco.

“Kaya nakatutuwa. Nakatataba ng puso. Hindi ko makalilimutan ‘yong experience na ito siyempre. Having the honor of working with Ms. Nora Aunor.

ADVERTISING

“Marami akong natutunan. At medyo naging close na kami. Pinakamahirap for me na nakunan na ay ‘yong eksena na kinu-convince ko na siya na magbago na sa pananaw sa buhay at sa pag-uugali niya. It’s a really very long scene. At four pages ‘yong script namin for the scene. So, mahirap. Pero Direk Joel was there. Tutok na tutok siya. Nakaalalay siya the whole time. Kaya I think ano… it came out well.”

Sa Hustisya, first time gumanap ni Rocco bilang isang abogado. Bago sila mag-shooting ay talagang pinaghandaan daw niya ito.

“I started by immersing myself. Nagpunta ako sa Hall Of Justice ng Quezon City. Nag-explore ako. Nakinig ako ng hearing ng mga cases. Inobserbahan ko kung paano dumiskarte ang isang lawyer at ang isang judge. At ayon… gumawa ako ng isang character out of what I saw.”

Sobrang inspired si Rocco sa trabaho ngayon. At hindi naman niya itinatanggi na isa sa dahilan ay si Lovi Poe. “Things are going really really well.”

At times that they’re together, ramdam din ng mga tao sa paligid nila kung gaano sila ka-in love sa isa’t isa.

“A… gano’n ba?” sabay tawang reaksiyon ng aktor. “Last Sunday (June 22) nga was another bonding experience for us both. Kasi tumakbo kami para sa World Vision 2014 no’ng umaga bago kami tumuloy sa Sunday All Stars. We ran about 21 kilometers. Magkausap kami.  Tapos tumatakbo kami. And then next thing I know, naka-10 kiliometers na kami!” tawa ulit niya.

“So… it was a bonding experience again. Tapos may medals pa kami. Nakatutuwa talaga. It’s something ano… we were really proud of.”

Kahit napagod sila sa pagtakbo bago ang SAS, high pa rin ang kanilang energy for the show. Parang charger nila ni Lovi ang isa’t isa?

“Siguro in a way. In a way, oo. Nakukuha ko rin ‘yong inspirasyon ko talaga sa kanya. Kaya ganadong-ganado akong magtrabaho.”

Perfect couple ang tingin ng iba sa kanilang dalawa ni Lovi. Simula nang maging sila, laging may kakaibang glow sa kanilang mga mukha.Si Rocco, mas gumuguwapo pang lalo. Habang si Lovi naman ay mas nagbu-bloom ang beauty.Daig pa nga raw nila ang sumailalim sa kung anumang enhancement ng kanilang physical looks.

“A, talaga?” tawa na naman ni Rocco.

May pahayag nga si Lovi kamakailan na… happy girls are the prettiest. At isa nga si Rocco sa nagpapasaya sa aktres ngayon.

“Well… I don’t know. I don’t know,” nangiting reaksiyon ng aktor. “Hindi lang naman ako. Kung sakali man, hindi lang ako. Maraming bagay na… a lot of things are going her way ngayon. Especially with work, with family, ang buhay niya ngayon.

“She’s really really happy sa mga nangyayari ngayon. Kaya hindi lang ako. If I’m part of that, I’m really really flattered. Pero ano nga… she’s doing really well.

“She’s optimistic. Siguro sa tingin ko, iyon ang sagot do’n, e. She’s really positive in life ngayon. Kaya nakikita sa mukha niya,” panghuling nasabi ni Rocco.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING