Rocco Nacino, nauutot sa katatawa kay Lovi Poe

Rocco Nacino, nauutot sa katatawa kay Lovi Poe

Lovi-Poe-Rocco-NacinoANG ISA sa sikreto pala ng relasyong Rocco Nacino  at Lovi Poe ay ang pagiging komedyante nilang dalawa kapag sila lang dalawa ang magkasama. Ayon nga mismo kay Roco nang mag guest siya sa aming radio show sa Radyo Inquirer, Wow It’s Showbiz  3 PM to 5PM  990 khz ay nailabas niya ang sikreto.

“Si Lovi kapag kami lang, du’n lumalabas  ang pagiging komedyante niya. ‘Yung talagang mauutot ka sa katatawa. ‘Yun si Lovi na hindi alam ng marami. Hahagalpak ka talaga,” sey ni Rocco.

Kung hindi kami nagkakamali, walong buwan na ang kanilang relasyon. At wala sa kanila ang sakalan ng karelasyon. Basta  ang mahalaga sa kanila ay ang tiwala.

Plano rin ni Roco na ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng doktor. At suportado naman daw siya ni Lovi sa kanyang gustong propesyon.

“Kaya nga ngayon, todo kayod para makaipon, mahal ang mag-aral ng doktor,” sabi pa niya.

Kitang-kita na mahal na mahal niya ang kanyang propesyon bilang artista ng GMA 7. Kaya naman marami ang humahanga sa kanya sa mahusay niyang pagganap sa Hiram Na Alaala, kung saan kasama niya sina Dennis Trillo at Kris Bernal. Mahusay ang pagganap niya bilang si Otep.

Nabanggit din niya na gusto nilang magkaroon ng show na magkasama sila ni Lovi na ang tema ay travel show. Kelan naman kaya matutupad?

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!