Rocco Nacino, na-miss daw si Paulo Avelino

Rocco Nacino, na-miss daw si Paulo Avelino

Paulo-Avelino-Rocco-NacinoWHEN IT rains, it really pours. Parang ganito ang nangyayari ngayon sa career ni Rocco Nacino. Bukod sa Sunday All Stars at taping para sa bagong soap ng GMA 7 na Beautiful Srangers, kung saan kasama niya sina Lovi Poe at Heart Evangelista, malapit na ring umere ang sinalihan din niya noon na talent search, ang Starstruckm, kung saan magiging co-host siya ni Megan Young.

Magkakasunod din ang kanyang pelikulang ginagawa. Kaya naman pakiramdam ng aktor ay sobrang blessed siya.

“Kakatapos ko lang ‘yong with Solenn (Heussaff) na Fruit Sand,” aniya. “It’s about the life of the people sa fruit sand sa La Union. So, it’s a very chill movie. Tapos ‘yong isa ay ang Mabalasik. Kasama ko naman dito si Aljur (Abrenica).”

Nagsimula na rin siya ng shooting para sa pelikulang Lakambini. Bida rito ang girlfriend niyang si Lovi Poe at makasasama rin nila sa cast si Paulo Avelino.

“I play the role of Andres Bonifacio. Si Lovi naman si Gregoria de Jesus and then si Paulo naman play as Julio Nakpil.”

Ikalawang beses na niyang mag-portray bilang isang bayani. Before ay gumanap na rin siya bilang Jose Rizal sa isang special feature ng GMA.

“Thank you for my color!” nangiting sabi ni Rocco. “Malaking bagay. Oo! Dati parang nai-insecure ako sa pagiging moreno ko. Now nakita ko kung gaano kalaking advantage ng may ganitong kulay. Na kinaiinggitan ng ibang tao pala. Kaya sabi ko… wow! May mga foreigners na nagsasabi sa akin… I like your color, it’s very exotic. I embrace it actually. I have learned to embrace it talaga. At saka ang laking tulong sa pagkuha ng mga projects. Dahil Pilipinong-Pilipino ‘yong hitsura ko. Sobrang nagpapasalamat nga ako sa mga roles na nai-portray ko tungkol sa mga very important people. Na bukod sa role ni Rizal at Bonifacio nga, nag-Pedro Calungsod pa ako.”

Kahit si Lovi ang bida sa Lakambini, isang makabuluhang project daw ang tingin ni Rocco sa pelikulang ito.

“Lakambini is the story of Gregoria de Jesus. It’s a story of women empowerment. And tina-target na kapag natapos na ang movie ay magkaroon ito ng special premiere for Women’s Month. And for me and Paulo, it’s a great thing to be part of it. Napakalalim ng story. Very well-researched. And aside from that, ‘yong lovestory nina Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus. At kung paano siya (Gregoria) nag-move on at nag-meet sila ni Julio Nakpil. It’s a renunion project para sa amin ni Paulo. And it’s nice. Na-miss ko si Pau. Nakatutuwa and I’m very motivated sa mga scenes namin together.”

Unang nagkasama sila ni Paulo sa indie film na Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa. Excited daw siya na muling makatrabaho ang gaya niya ay isang Starstruck alumnus din.

“No’ng story conference ng Lakambini, mahaba ‘yong kuwentuhan namin kasi parang kapatid siya ni Lovi kay Tito Leo (Dominguez, manager ni Lovi). So, kapag may gathering, nagkakasama rin kami. We talk a lot.”

Ang layo na rin ng narating ni Paulo mula nang umalis sa GMA 7. Sinasabi na tama lang nga raw ang naging desisyon nito na lumipat sa ABS-CBN.

“Oo. Siguro. Tamang timing lang naman ‘yon, e.”

Malayo na rin naman ang narating niya bilang isang Kapuso actor.

“Of course.”

Pero kung sakali, maengganyo kaya siyang lumipat sa ibang network kapag may dumating na mas magandang offer?

“Mahirap, e. Kasi homegrown talent ako, e. And napakalaki ng utang na loob ko sa GMA sa lahat ng projects na ibinigay nila sa akin. So, I don’t think it will be that easy na makakalas ako sa GMA. Parang ano… I have my loyalty.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan