Rocco Nacino, ikinuwento ang naganap sa proposal ni Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista

ADVERTISING

Rocco Nacino, ikinuwento ang naganap sa proposal ni Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista

Rocco-NacinoKAHIT BUSY sa trabaho, talagang naglaan ng oras sina Rocco Nacino at Lovi Poe para makapunta sa Sorsogon at saksihan ang wedding proposal ni Senator Chiz Escudero kay Heart Evangelista. Kabilang sila sa pinaka-close na kaibigan ng aktres at masaya raw sila na engaged na ito.

“Si Lovi ang kumausap sa akin na we could go there,” kuwento ni Rocco nang makausap namin sa Sunday All Stars noong Linggo. Tapos. Ipina-block ko talaga ‘yong date na iyon. Isang araw lang ‘yon. Nagpunta kami ng Saturday, tapos nakabalik kami sa Manila kaninang umaga. Sa biyahe na lang kami natulog. Kaya medyo pagod kami. Kaya after nito, uwi na ng bahay para makapagpahinga na.”

Bilib daw sila kay Sentaor Chiz sa maayos na pag-coordinate at pagpaplano ng nabanggit na wedding proposal.

“Inayos ni Chiz. Sinet-up niya na pumunta kami ro’n. Secretly siyempre, hindi sinasabi. Kaya ‘yon… mas naging exciting sa akin. Kasi, ‘yong challenge na itinatago pa kay Heart. And everything was really beautiful and romantic.”

ADVERTISING

Paano nga ba nila naitago kay Heart ang tungkol dito? The fact na nando’n siya at girlfriend niyang si Lovi Poe, si Alessandra de Rossi at iba pang malapit na kaibigan ni Heart.

“Very well-planned! Ang galing ni Senator Chiz, e. Naka-house kami sa isang hotel. And the pumunta kami sa venue (ng proposal) na akala niya (Heart) dinner lang. Tapos ‘yon… biglang may tumugtog. And then isa-isa kaming pumunta sa kanya. ‘Yon… umiyak siya. Tapos may fireworks. Oo. Very beautiful! Napahagulhol si Heart. Na-surprise talaga siya. Tapos no’ng nakita na niya kami, lalo siyang naiyak. Muntik na nga rin akong maiyak, e. First time kong maka-experience ng gano’n. Na may mag-propose sa harap ko.”

At least, ngayon ay may idea kung paano ba pinaplano at isinasagawa ang proposal.

“Matagl na matagal pa ‘yan!” natawang reaksiyon ng aktor.“Naku… trabaho muna.”

Wala pa raw nabanggit sa kanila sina Heart at Senator Chiz kung kailan at saan kaya ang wedding ng mga ito.

“Kasi medyo overwhelmed pa nga si Heart right after ng proposal, e.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Lovi nang sandaling iyon na nasasaksihan nila ang pagpu-propose ni Senator Chiz kay Heart?

“Kilig na kilig. She was taking videos and pictures. Sa mga videos, dinig na dinig ‘yong hiyawan ng mga tao. Lalo na si Lovi na tuwang-tuwa. Of course, she’s really happy for Heart.”

Talagang hindi pa raw sumasagi sa isip nila ni Lovi ang tungkol sa wedding proposal kahit tila nauuso ito ngayon.

“Ay, wala!” tawa ulit ni Rocco. “Biro-biro lang. Pero siyempre ano… biro lang ‘yon. Marami pa kaming priorities na gustong tapusin. Kaya ‘yon muna. We’ll stick to that.”

May nai-post sa kanyang Instagram si Rocco na he was having a therapy. Para saan ang therapy na iyon?

“Nagkaroon ako ng tendonitis and beginning osteoarthritis. Dahil sa bugbog sa aking tuhod sa kaka-work out. Over-used na ‘yong sa knee ko.”

Hindi kaya maging sagabal ito sa medyo pisikal na part ng kanyang role bilang sundalo sa upcoming series ng GMA na Hiram Na Alaala?

“I’ll make sure na hindi. Inaalagaan ko. I’ll make sure na malakas ‘yong legs ko para pagdating sa mga demanding parts na physically demanding challenges ng show na ito lalo na ‘yong sky-diving, ‘yong gun training, at pagsabak sa giyera… wala akong problema. So I have to rest up,” sabi pa ni Rocco.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING