Rocco Nacino & Heart Evangelista: Is It Too Late For The Two Of Us?

ADVERTISING

Rocco-Nacino-Heart-EvangelistaROCCO NACINO
Full Name: Enrico Raphael Quiogue Nacino
Birthday: March 21, 1987
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Quality: Cardinal
Element: Fire
Basic Trait: I Am
Closest Metal: Iron
Lucky Day: Tuesday

HEART EVANGELISTA
Real Name: Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero
Birthdate: February 14, 1985
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer
Ruling Planet: Uranus
Quality: Fixed
Element: Air
Basic Trait: I Know
Closest Metal: Aluminum and Uranium
Lucky Day: Saturday

ADVERTISING

WE ALL know na happily married na ang original Chinita princess na si Heart Evangelista sa senador na si Chiz Escudero. Si Rocco Nacino naman ay in a serious relationship with Lovi Poe. Onscreen though, nagkakadebelopan ang mga papel na ginagampanan nina Heart at Rocco bilang Kristine at Noel sa lalong bumobonggang ‘Beautiful Strangers’. ‘Yan ang rason kung bakit puro crying scenes ni Lovi sa programa, huh!

S’yempre, pang-TV lang lahat ng romansahang iyon. Awkward mang tingnan dahil bestfriends in real life sina Heart at Lovi, iba naman ang dating kasi sa teleserye. Obviously, mas may chemistry ang Rocco-Heart lalo na sa mga kissing scenes nila na tunay ngang nakaiinlab!

Kunwari hindi pa married si Heart at walang girlfriend si Rocco – may pag-asa kaya? What could’ve happened? Will a beautiful love story bloom?

ADVERTISING

In fairness, achieve na achieve ang degree of compatibility ng Aries at Aquarius. Pareho silang independent at talagang binibigyan nila ng importansiya ang kanilang freedom. Para sa dalawang zodiac, mareresolba nila ang problemang kinahaharap sa pamamagitan ng dynamic approach. Ang maganda sa pagsasamang ito ay nirerespeto nila ang uniqueness at individuality ng isa’t isa. Importante para sa kanila na mai-express nila ang kanilang personal creativity.

Palaging susuportahan ng Aquarius ang lahat ng proyektong gagawin ni Aries. Bukas naman sa mga comments and suggestions ang Aries at madalas na sinusunod nito ang mga ideya na ibabahagi ng Aquarius. May mga pagkakataong maiimbyerna ang Ram sa bigla-biglang pagde-decide ng Aquarian, but it’s not really a big deal. Dahil parehong energetic ang dalawa, siguradong walang boring moments na magaganap. In short, iz a match!

Sa relasyon ng Aries na lalaki at Aquarius na babae, given na ang babae ang ‘manager’ ng kanilang pagsasama. Ito ay dahil sa mas malawak ang pang-uunawa nito at kaya nitong mag-adjust kung sakaling mag-alburuto bigla ang lalaki. Pagdating naman sa romansahan ay hindi magpahuhuli ang Aries sa pagpainit nito. In short, sa buhay man o sa kama, kering-keri nila ang ever lasting relationship! Va-va-voom-broom!

There you have it! Puwedeng-puwede pala ang Rocco-Heart kung sumakto lang sa timing! Well, puwede naman na ang onscreen tandem. Huwag nang i-push sa real-life at baka maging ‘My Faithful Husband’ ang peg ni Heart, huh! Hindi ‘yan puwede sa Senado! HaHaHa!

 

Pares-Pares

By Madam DaminRocco Nacino & Heart Evangelista: Is It Too Late For The Two Of Us?

ADVERTISING