Rocco Nacino, ginamit kay Lovi Poe ang pagiging nurse

ADVERTISING

Rocco Nacino, ginamit kay Lovi Poe ang pagiging nurse

Lovi-Poe-Rocco-NacinoNAGAMIT NI Rocco Nacino ang tinapos nitong kurso na nursing nang makagat ng aso ang girlfriend na si Lovi Poe. Alam ni Rocco ang gagawin kaya hindi siya nag-panic. Nilinis muna ni Rocco ang kagat ng aso at saka niya itinakbo si Lovi sa ospital.

ADVERTISING

Inawat daw kasi ni Lovi ang kanyang dalawang asong nag-aaway na sina Seth at Senor, kaya siya tuloy ang nakagat. Kung nabubuhay pa siguro si Da King, FPJ, ama ni Lovi, siguradong mag-aalala ito dahil namatay ang ama ni Da King sa kagat ng tuta.

Anyway, sa ospital ay kaagad na inineksyunan si Lovi ng anim na anti-rabies na gamot. At kailangan pa niyang magbalik ng ospital para sa karagdagang injection para makumpleto ang pagpapagamot.

Humanga raw si Rocco sa girlfriend actress dahil kahit nanghina na ito sa gamot ay nagawa pang mag-taping ng teleserye nila ni Heart Evangelista na Beautiful Strangers.

ADVERTISING

 

HANGGANG KATAPUSAN na lang ng buwan ang Sunday All Stars sa GMA 7 dahil tatanggalin na ito at papalitan ng bagong show na bago rin ang magiging host.

We heard na sina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera ay pagsasamahin sa ipapalit na show sa SAS at makasasama rin nila sina Alden Richards at tandem na sina Wally Bayola at Jose Manalo. Hindi talk show ang ipapalit gaya ng unang nabalita kundi comedy variety show na ang magiging title ay Sunday Pinas Saya.

Tamang-tama naman ang pagkakaroon ng Sunday TV show ni Ai-Ai dahil magtatapos na ang serye niyang Let The Love Begin.

Wala pa kaming naririnig na nagtampo sa mga host ng Sunday All Star dahil baka maisama rin sila sa show nina Ai-Ai at Marian?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING