Rocco Nacino, ‘di na nangangapa kay Dennis Trillo

ADVERTISING

Rocco Nacino, ‘di na nangangapa kay Dennis Trillo

Rocco-NacinoPAREHONG SUNDALO ang role nina Rocco Nacino at Dennis Trillo sa pinakabagong primetime series ng GMA 7 na Hiram Na Alaala.  At sa pinakahuling taping nila kamakailan ay puro war scenes daw ang kinunan.

ADVERTISING

“Ang saya! Sobrang nag-enjoy kami ni Dennis,” masiglang kuwento nga ni Rocco. “Hindi ko naramdaman na nahirapan ako. Kasi sobrang nag-enjoy nga ako ro’n sa mga eksena, e. Oo. ‘Yong mga fight scenes. ‘Yong pagpapaputok ng mga baril. ‘Yong pag-handle at pag-dismantle nito. Everything.”

Ikalawang pakikipagtrabaho na ni Rocco kay Dennis sa Hiram Na Alaala. Una silang nagkasama noon sa seryeng Gumapang Ka Sa Lusak.

“Naging mabuting magkaibigan kami. And ‘yong naging friendship namin is still the same ngayong magkatrabaho ulit kami. We talk about mixed martial arts. Sabay kaming nagti-training sa mga eksena namin sa Hiram Na Alaala. It’s fun. We really have a good relationship.”

ADVERTISING

Kinikilala na rin si Rocco sa ngayon bilang isang magaling na aktor. Kumbaga, kayang-kaya niyang sumabay sa husay ni Dennis.

“Hindi naman sa gano’n. I don’t wanna put into my head na… uy, kayang-kaya ko ‘to. Siyempre, kini-criticize ko rin ‘yong sarili ko. ‘Yong mga eksena ko. Kailangan ano… equal kami lahat sa mga eksena namin. ‘Yong walang sapawan siyempre, of course. And ano… ibibigay ko kung ano ang dapat na ibigay.”

Nag-uusap pa ba sila ni Dennis tungkol sa kanilang mga eksena para masigurong walang sapawan at makapagbibigay sila para sa isa’t isa?

“Hindi na. Kasi nakagamayan na nga namin ang isa’t isa, e. Nababasa na namin ang isa’t isa. Kung kailan magbibigay. Kung kailan ibibigay. So okey naman. Wala namang kapaan na… teka, ulitin natin ito lahat!”

Maganda rin daw ang rapport nila ni Kris Bernal na leading lady nila ni Dennis Sa Hiram Na Alaala dahil, ilang projects na rin kasi ang pinagsamahan nila ng aktres.

“Of course it’s always good. ‘Yong chemistry namin napakaganda. From Koreana, Time Of My Life, tapos ito ngang sa Hiram Na Alaala. So, we know how to feed each other emotions. Parang gamay na rin nga namin ang isa’t isa. Wala nang adjustments pa sa isa’t isa. Same kung paano kami ni Dennis. Na… uy, I’m excited to work with you guys!”

Inspirado si Rocco sa kanyang trabaho ngayon. At hindi nama niya itinatanggi na isa sa dahilan ay ang magandang takbo ng relasyon nila ni Lovi Poe. Natutuwa nga raw siya na naging sobrang close na ang mga magulang niya sa aktres. Lagi raw silang magkakasama kapag Sunday.

“It’s fun seeing all together, eating out and laughing. And making fun of ourselves. It’ a nice way to cap off the weekend or to finish the week.”

Aktibo ang pamilya ni Rocco sa isang Christian congregation. At madalas daw ay naisasama nila si Lovi rito.

“Minsan nga, siya na ang nagyayaya, e. Pero hindi pa siya member. Siyempre, I don’t want to be aggressive pagdating sa ganyan. If she feels na gusto na niya, sa kanya na manggagaling ‘yon.”

May extra effort ba siya o si Lovi na laging makasama ng pamilya niya para mas mapalapit pang lalo ang aktres sa mga ito?

“Wala naman. Kumbaga… very easy flowing. ‘Yong pang normal na yaya lang. Tapos sumasama siya at nag-i-enjoy lahat. So, ‘yon. Tapos next na lakad, hinahanap na siya. Parang gano’n. So, naging madali lang. Walang masyadong effort na kailangan. I’m lucky na gano’n.”

Sa mga naging girlfriends niya, kay Lovi lang ba ang talagang masyadong naging close ang parents niya?

“Sila naman, e… basta kung sino ang alam nila ay importante sa akin, very supportive sila. So, they give their full support when I’m with someone. Pero of course, I don’t wanna compare my past relationships. I’m just happy na ganito ang support nila para sa aming dalawa ni Lovi.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING