Rocco Nacino, baklang-bakla!

ADVERTISING

Rocco Nacino, baklang-bakla!

Rocco Nacino, baklang-bakla!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Monday, kailangang kaaya-aya ang mababasa n’yo sa column ko.

Last Thursday, last shooting day ng I Love You, Pare Ko, isang indie film na idinirek ni Buboy Tan at pinagbibidahan nina Rocco Nacino at Rodjun Cruz, kasama sina Arnell Ignacio, Wonder gays, Xixi Maturan, at siyempre, ang inyong lingkod.

Sa true lang, riot ang pelikula na medyo horror, drama at comedy. Kasi nga, mga multong bakla ang role namin nina Rocco, Arnell, Xixi at siyempre ang Wonder Gays.

Napakagaling ni Rocco na gumanap nang bading, puwede na namang magkamit siya rito ng best actor award. At first time ko lang siyang nakasama at nakilala nang personal. Pero napakabait at walang kaere-ere sa katawan, madali siyang mahalin.

ADVERTISING

Kaloka, as in! Kasi ba naman, ang gusto ni Direk, ilalagay si Rocco sa kabaong. Pumayag na siya nang una, pero nu’ng magte-take na, dinahilan na ayaw pumayag ng manager, kasi natakot. Kaya medyo nalungkot si Direk Buboy.

Anyway, si Rodjun Cruz naman, napag-alaman ko rin na siya na pala ang gumanap na anak ko sa life story ko sa Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos-Concio. Doon ko lang nalaman na mas matanda pa pala siya sa kapatid niyang si Rayver Cruz. Mahusay na artista si Rodjun, akala mo, tunay na mag-lover silang dalawa ni Rocco sa pelikula.

Mabubuwang ka talaga sa Earth! Kasi sa last scene, ewan ko kung bakit ako na-take 7 sa kumprontahan namin ni Rocco. Kasi kaming mga multong bakla ang nang-aasar sa kanya dahil iniwan siya ng kanyang lover. Napakaikli ng dialogue ko, pero hindi ko ma-deliver nang maayos. Kaya naman nang makuha ko na, walang tigil ang tawanan. Umaga na kasi ‘yon, pagod na siguro ang utak ko. Hindi na kasi ako sanay nang magdamagan,

Pero sa totoo lang, enjoy ako sa mga kasama ko, kasi ang saya-saya. Hindi mo mararamdaman ang pagod. Sigurado ako, mag-e-enjoy rin ang mga makakapanood nito. Kasi kahit kami sa shooting, bawat’ eksena ay hagalpakan kami ng tili at halakhak.

Ay, bago ko pala makalimutan, kasama rin pala rito si Melissa Mendez. Siya ang gumanap na mother ni Rocco.

Nakasasa-bik itong pelikula, kasi nga mga multong bakla kami na mga bagets at forgets. Sayang nga at tapos na ang shooting. Kulang na kulang pa ang bonding namin ng tropang ito. Kasi nga naman si Xixi, ang kasama kong bading, nakakaloka! Kasi wala sa script, biglang siningit ni Rocco na ‘Ikaw? Sino ka? Bakit ka duling?’ ‘Yon, hagalpakan na naman kami nang tawa.

Kasi hindi makuha ni Direk ang anggulo, hindi kasi alam ni Direk kung saan nakatingin. Dapat ang titingnan niya ay si Rocco. Sabi ni Direk, ‘Sa akin ka tumi-ngin.’ Ayon, nagswak, kaya natapos ang take na ‘yun.

Speaking of Xixi Maturan, almost 20 years na kaming hindi nagkikita, pero matagal ko siyang nakasama sa isang network sa Mareco Broadcasting Co. nu’ng nagsisimula pa lang ako sa radio. Kaya maghapon, magdamag, hindi kami naghihiwalay sa kuwentuhan. Those were the days.

‘Yun na! Kaya abangan ang nakakalokang I Love You, Pare Ko. O, ‘di ba? Bongga ang Lunes n’yo. Don’t make your Monday a blue Monday, happy holiday!

 

PITIK-BULAG: Sinech itech na naghihirap na raw at balik sa dating gawi, ang pagtitinda ng balot at siomai?

Kasi nga naman, hindi na kagandahan ang boses niya na dating napakataas ng boses at biritero. Dahil sa yosi na ipinagbabawal na sa kanya, pero hindi niya maiwasan, ayon… wala nang kumukuha sa kanya at pinabayaan na rin ng network na nag-aalaga sa kanyang career.

Sa bagay, chakka doll naman siya.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING