Rocco Nacino bagong kaagaw ni Benjamin Alves kay Lovi Poe sa ‘Owe My Love’

MAHIGIT limang taon pagkatapos ng kanilang paghihiwalay bilang magka-loveteam at magkasintahan sa totoong buhay, muling nagreunite sina Rocco Nacino at Lovi Poe sa ‘Owe My Love’.

Kung noon ay hesitant si Rocco na muling makatrabaho ang ex-girlfriend, ngayon ay tila naka-move on na silang pareho kaya keri na nilang magsama muli sa isang proyekto.

Rocco Nacino bagong kaagaw ni Benjamin Alves kay Lovi Poe sa 'Owe My Love'
Rocco Nacino and Lovi Poe

This week ay pumasok na si Rocco sa ‘Owe My Love’ bilang Dr. Kenneth Paul, isang cardiothoracic surgeon at dating orgmate ni Sensen (Lovi Poe) sa school. Magiging big threat kaya para kay Doc Migs (Benjamin Alves), na piniling itago ang nararamdaman para kay Sensen?

Kahit na matagal na panahon na ang dumaan, hindi maikakaila na may ‘spark’ pa rin sa pagitan nina Rocco at Lovi. But well, mas boto na kami kay Doc Migs ngayon! He-he-he!

Kasal na si Rocco Nacino sa volleyball player na si Melissa Gohing habang si Lovi Poe ay happily in love sa kanyang US based boyfriend na si Monty Blencowe. In short, nakamove on na ang dalawa sa kani-kanilang buhay kaya why not reunite as a tandem, ‘diba?

May mga fans na nakapansin na tila nagkaroon ng ‘Beautiful Strangers’ reunion sa ‘Owe My Love. ‘Yun ang teleseryeng pinagsamahan nina Lovi, Benjamin at Rocco noong 2014 kung saan kasama rin nila ang bestie ni Lovi na si Heart Evangelista. Huwag na raw tayo magulat kung soon ay pumasok din si Heart lalo pa’t naghahanda na rin ito sa kanyang pagbabalik teleserye via ‘I Left My Heart in Sorsogon’ na GMA News & Public Affairs din ang producer.