Rocco Nacino, ayaw sumawsaw sa away nina Lovi Poe at Marian Rivera

ADVERTISING

Rocco Nacino, ayaw sumawsaw sa away nina Lovi Poe at Marian Rivera

Rocco-NacinoNAKARATING NA rin sa boyfriend ni Lovi Poe na si Rocco Nacino ang isyung inisnab diumano ni Marian Rivera ang una.

ADVERTISING

Ayon kay Rocco, nalaman niya ang tungkol sa isnaban ng dalawa, pero wala raw siya sa posisyon para magbigay ng comment tungkol dito. Hindi raw makakabuti para sa tulad niyang lalaki na sumawsaw sa isyu, lalo at hindi naman daw siya direktang involved sa nangyari.

Pakiusap ni Rocco na hangga’t maaari, huwag na raw sanang gatungan ng iba para hindi na humaba ang isyu ng dalawang actress.

Samantala, humingi rin ng paumanhin si Rocco sa mga press, director, producer at co-star sa pelikulang Ibong Adarna sa hindi niya pagsipot sa nakaraang mini-presscon ng nasabing movie na pinagbibidahan niya.

ADVERTISING

Talaga raw masama ang pakiramdam niya that day na natapat nga sa araw mismo ng presscon ng Ibong Adarna na ginanap sa 4th floor ng NPC. Babawi na lang daw siya sa susunod na magkaroon uli ng presscon ang movie.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING